Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CBA:PABAHAY AT RETIREMENT BENEFITS PARA SA MGA MANGGAGAWA NG CANLUBANG SUGAR ESTATE

  • PDF

Matapos ang tagumpay sa unang bahagi ng laban ng mga taga-Canlubang na kung saan ay pinakinggan ng Sanggunian Panlungsod ang petisyon na manatili ang pag-iral ng moratorium, ang dapat na tindigan ay ang maipaunawa sa mga kinauukulan kung anong KARAPATAN ang pinanghahawakan ng mga dating manggagawa ng Canlubang Sugar Estate, kasama ng kanilang mga anak para malasakitin ang lupang kinalinga at pinagyaman ng kanilang mga ninuno. Mula sa gintong panahong ito’y nagsilbing isang lupang pangakong binubukalan ng gatas at pulot. Nakalulungkot nga lamang isipin ang naging kasalukuyan, maging ang hinaharap ng kahapon lamang ay isang buhay na punong-puno ng pag-asa ng kaunlaran.

Demolisyon…Pananakot…Panggigipit…Ito na ang Canlubang ngayon. Ilang kaso na ba ng paggamit ng pwersa ang ating nabalitaan o kaya ay nasaksihan mismo ng ating mga mata? Marami nang pamilya ang walang nagawa kundi ang sumuko at lumisan na lamang. Subalit mas nakararami ang nananatiling lumalaban at nag-titiis sa pag-asang isang araw ay may makikinig at maniniwala sa kanilang pinaglalaban…

Sa gitna ng mga Pending Claims na nakahain sa korte at mga petisyon sa Malacanyang hinggil sa lupa, patuloy na umuugong ang banta ng pagpasok ng mga malalaking developers upang tuluyan nang makapagtayo ng mga high class subdivisions. Kapag ang bentahan ng lupa sa pagitan ng mga Yulo at Ayala ay tuluyan ng maganap, paano na ang mahigit limang libong pamilyang maapektuhan? Talaga bang walang magagawa ang mga taga Canlubang sa sitwasyong ito? Sila ba ay papatak na squatters lamang sa lupang halos isang siglo nilang tinahanan?

Tila nalilimutan yata ng marami ang isang matibay na dokumentong nagbibigay ng karapatan sa bawat manggagawang ng dating Canlubang Sugar Estate…

Ang CBA ng Abril 1993 ay malinaw na nagtatakda ng pabahay at retirement benefits sa mga manggagawa nito. Subalit magpahanggang ngayon ay karamihan sa mga manggagawang ito ay hindi pa rin nabibigyan ng kaukulang benepisyo. Sa puntong ito, ano ang malinaw na laban ng mga manggagawa ng CSE, sa kabila na ito ay pormal nang nag-deklara ng pagkalugi?

Bagamat nagsara na ang kompanyang ito ay may mga assets pa ito na kailangang i-liquidate upang mabayaran ang mga pagkakautang nito. Wala na ang CSE pero nandiyan pa ang mga lupain nito. Sapat upang bayaran ang mga benepisyong karapat-dapat sa mga taong malaki ang naging bahagi sa pagyaman ng mga properties na ito.

Ngayon higit kailan pa man ay kailangan ng bawat isa na makialam sa labang ito. Bagamat ang istorya ng kaapihang nararanasan ng mga mamamayan sa Canlubang ay matanda pa sa kasaysayan ng ating bansa, malaki ang pag-asang ito ay malinawan sa henerasyong ito. Sa bilis ng daloy ng komunikasyon at paglaganap ng mga progresibo at malayang pananaw, tila nagsasabing

ITO NA ANG PANAHON... Ang tanong... SASAMA KA BA?

Last Updated on Thursday, 16 June 2011 14:11

Add comment


Security code
Refresh