Calamba Laguna Philippines

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Section Blog Menu Articles Calambeño Nanawagan Ng Agarang Pagtatalaga Ng Hepe Ng Tourism at CSSYDO

Calambeño Nanawagan Ng Agarang Pagtatalaga Ng Hepe Ng Tourism at CSSYDO

E-mail Print PDF

Bunga ng mga pangambang maging paralisado ang operasyon at negosasyon sa Budget deliberation ng City Tourism Office na pinamumunuan ni Doc Lazaga at City Social Services and Youth Development Office ni Doc Vergara na mga pumalaot sa pulitika ay nanawagan ang mga mamamayang Calambenyo na umaasa sa serbisyo ng mga nasabing ahensya ang agarang pagtatalaga ng magiging tagapamahala o hepe sa pamahalaang panlungsod sa punong ehekutibo Kagalang-galang Joaquin Chipeco Jr.

 Ayon pa sa ilang nakapanayam, ang agarang pagtatalaga ay magiging malaking tulong upang hindi maputol ang serbisyo publiko at upang maiwasan ang turuan at mananagutan at maging kapaki-pakinabang ang mga nasabing departamento.

 Ayon pa kay Konsehal Christian Niño S. Lajara, kailangang bigyang prayoridad ang usapin dahil magkakaroon ng malaking problema at baka abutan pa ng election ban sa darating na Marso 2010. Sumang-ayon naman ang mayoryang konsehal na kailangang may italagang kinatawan sa nasabing departamento na siyang may awtoridad makipag-usap at magdepensa ng kanilang budget proposal.

 Sa ngayon ay hindi pa tuwirang bumababa sa posisyona ng mga hepe sang-ayon na rin sa Supreme Court decision kamakailan na hindi awtomatikong resigned ang mga nasa posisyon na tatakbo sa darating na halalan ng 2010.

 

Calamba Search

Loading...

Popular Businesses