Inireklamo ang mga upland farmers ang kanilang natatanggap na organic fertilizer mula sa City Agriculture Office dahil sa diumano ay mabahong amoy nito at walang proper packaging at label ang mga nasabing fertilizer. Bunsod nito ay nagsagawa ng mga serye ng pagpupulong ang Komite ng Agrikultura ng Sanggunian Panglungsod sa pangunguna ni Konsehal Nino Lajara upang imbestigahan ang reklamo ng mga magsasaka. Ayon sa imbestigasyon ay napag-alaman ang mga ibat-iba pang mga paglabag ng supplier ng organic fertilizer at agricultural lime na HC Covercrops International partikular sa P.D. 1144. Ito ay base sa ulat na ipinadala ng Fertilizer and Pesticide Authority na ang nasabing supplier ay maraming violations tulad ng:
- Misleading label,
- No FPA Registration Number or not registered with the FPA at
- Does not conform with the specifications offered articulated in the technical specification.
Dahil dito ay hiniling ng mga magsasaka na maibalik sa supplier ang mga inirereklamong fertilizer.







