LALAKENG NANAKAL NG 5-TAONG GULANG NA BATA, ARESTADOGulpi at kulong ang inabot ni Jason Austria, 21-taong gulang residente ng Brgy. Parian, Calamba City Laguna. Ito ay matapos nitong diumano, ay sakalin at ihagis sa kanal ang isang limang taong gulang na bata na kinilala sa pangalang Sarah May, sa Brgy. 2, Calamba City, Laguna. “ang mag-iina ko po naglilinis sa poso, eh pagkatapos pong maglinis, pinauwi na po ‘yung anak ko, eh pagkauwi daw po eh dumaan yung suspek na ‘yun...Dumaan daw po yung lalaking ‘yun tapos, binitbit daw po ‘yung anak ko tapos sinakal. Tapos sabi ng nakakita inihagis daw sa bambang” pahayag ni Jonathan Digay, ama ng biktima.
Ayon sa lolo ng bata na si Pio Matabuena, narinig niya na may umiiyak na bata kung kaya’t lumabas ito at nakita niya ang suspek na sakal-sakal nito ang kaniyang apo at inihagis sa kanal. Nagtangka namang tumakas ang suspek kung kaya’t hinabol ito ng mga kaanak ng bata at saka binugbog. Itinanggi naman ng suspek ang mga alegasyon laban sa kaniya. Aniya ay nakainom ito kung kaya’t hindi niya sinasadyang masagi ang bata. “Aksidente po ‘yun, nasagasa ko po ‘yun, yung pagkakataob, pati po ako nagtaob, eh ngayon po ‘yung bata, paalis na po ako eh sinundan po ako ng magulang, gawang akala po ay kung napano na ‘yung bata...dinala nga ako sa barangay, pinagtulungan ako.” Ani Jason Austria, suspek Sa kasalukuyan ay nakaditini sa pnp calamba station si austria at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection Against Child Abuse, Exploitation And Discrimination. Ang buwan pa naman ng Oktubre ay itinalagang Universal Children’s Month na naglalayong mapaigting ang kampanya laban sa child abuse at pangangalaga sa karapatan ng mga bata, kung kaya’t kung may nalalamang insidente ng pang-aabuso sa karapatan ng mg bata ay mangyari lamang na ipagbigay-alam sa mga awtoridad.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph | ||||||||||||||||||||
|























Please wait...