Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Coun.Christian Niño S. Lajara, Binigyang-Pansin ang Ulat ng Commission on Audit Hinggil sa Iregularidad sa Pangangasiwa ng Pananalapi sa Siyudad ng Calamba

  • PDF
User Rating: / 2
PoorBest 


March 8, 2010/11:30PM Sanggunian Panlungsod-- Sa priviledged speech ni Coun.Christian Niño S. Lajara ay isinawalat niya ang ulat ng Commission on Audit (COA) hinggil sa mga iregularidad sa accounting system ng local government ng Calamba.  Inilatag ni Lajara ang mga puntos sa ulat na ito na kinakailangang bigyan ng pansin at ipaalam sa taong bayan.  Nanawagan din ang konsehal para sa karapatdapat na aksyon partikular sa City Accountant na si Gng.Carmina Espiridion, na siyang pangunahing sinisiyasat sa nasabing COA Report.  Ang sumusunod na bahagi ay ang talumpati ni Konsehal Lajara:

 

"Maraming salamat po  sa ating Presiding Officer, kagalang galang  Pansamantalang taga Pangulo Kgg. Dennis Lanzanas , sa aking mga kasamahan sa Sangguniang Panlungsod at sa lahat ng aking mga kababayang Calambeño na nandidito sa bulwagan ito. Magandang tanghali po  sa inyong lahat.

Ilang lingo ko na pong pinag iisipan kung nararapat ba akong mag salita at magpahayag ng aking obserbasyon na may kaugnayan sa tamang pag gastos at pagsasaayos ng kaban ng ating Bayan at ang mga ari-arian ng taong Bayan. Maaaring pag dudahan ang intension, maaari din namang sabihin na  ako’y namumulitika, ngunit sa tuwing aking binubuksan ang aking computer at pupunta ako sa website ng COA at aking babasahin at susuriin ang 51 pahina na Annual Audit Report ng COA noong 2008 sa Lungsod ng Calamba ay hindi ko matiis na dapat kong ipaalam at ipamahagi ito sa mga di pa nakakaalam at nakakakita ng 51 pahina na Annual Report ng COA Calamba.Ang mga tanong na dapat ay na nanatili sa usaping ito una, sa panahon ng eleksyon maituturing bang mahalaga na maisiwalat sa taong bayan ang report na galing sa COA?, pangalwa, Magsisilbi bang batayan ng botante ang report ng COA sa pagpili ng kandidato?

Isang buwan ng mahigit mula ngayon ng makatanggap ako ng kopya buhat sa Sangguniang Panlungsod, ng isang liham buhat sa tanggapan ni State Auditor Rebecca Ciriaco, City Auditor ng Calamba, isang liham na tumutukoy sa Annual Audit Report ng City of Calamba para sa taong 2008. Niloloob ng liham ng ating city Auditor ay kung may  nagawa na bang aksyon upang isaayos ang mga kakulangan at pagkakamali ng pag account ng salapi at kaban ng bayan ng Calamba noong 2008 na batay sa kanilang obserbasyon at reccomendationsa auditor’s report ay may mga pag labag.

Ng mabasa ko ang liham na ito ay napaisip po ako kung bakit hanggang ngayon isang taon na nakakaraan ay hindi pa makapagpaliwanag ang aitng mga department head lalo na ang ating City Accountant sa katauhan ni Carmnia Espiridion na siyang namamahala sa accounting ng salapi at kaban ng bayan ng ating lungsod.

Sabihin mang madumi ang aking utak subalit bakit hanggang ngayon ay hindi nila maipaliwanag at mabalanse ang mga pagkakamali nila sa pag sasaayos ng salapi ng Calamba.

Mr. Presiding Officer, mga kasamahan ko sa  Sangguniang Panlungsod at sa mga kababayan ko na nandito sa bulwagan ito pahintulutan niyo po akong maibahagi ang lima sa labing apat na obserbasyon na aking nakita sa annual audit report ng COA:

Una, Ang balance sa cash-in Bank, Local currency savings was unreliable due to reconciling items which had accumulated over the years and the unidentified reconciling items which showed a remarkable discrepancy between the balance recorded per book and the balance per bank as of December 31, 2008 amounting to P 110,683,007.46. Hence, the reliability and accuracy of the cash in bank accounts in the financial statements remained doubtful.

Sinasabi ng COA audit report na as of December 31, 2008 may discrepancy na nagkakahalaga ng P110,683,007.46 sa balance cash in bank sa local savings account sa kadahilanan unreliable ito dahil hindi magkakatugma ang account na naka record sa libro sa actual na balance sa bangko, sinabi pa ng COA report na kahinahinala at di tama ang ating cash in bank accounts.

Pangalwa, Accounts payable amounting to P116,765,778.58 and P 36,248,555.89 under the general and special education funds, respectively wereof doubtful validity as these were not supported with valid claims as provided under section 04 (s) of the manual on NGAS volume 1 and section 157 of the government accounting and auditing manual. As such the total balance of accounts payable amounting P317,447,088.51 is overstated by P153,014,344.47.

Sinasabi sa COA audit report na meron daw tayong bayarin na nagkakahalaga P116,765,778.58 na nagmumula sa general fund at P 36,248,555.89 na nagmumula sa special education fund na hindi alam kung sino ang pagbabayaran. Nakalagay din mismo sa COA report na inamin ng mga accounting staff at ng ating mismong accountant na si Carmnia Espiridion na may mga bayarin nga na hindi alam ang pag babayaran, nakakabahala Mr. Presiding Officer magbabayad tayo ng P153,014,344.47 sa hindi malinaw kung sino ang pagbabayaran. COA ang may sabi niyan hindi po ako.

Pangatlo, Ang cash advances for travels, trainings and seminars of P2,082,231.50 were directly debited to expense account contrary to section 47 of new government accounting system, hence proper accounting of cash advances could not be ascertained.

Sinasabi po dito na yung mga cash advances at reimbursement for travel, trainings and seminars ng mga opisyales at kawani ng ating pamahalaang Panlungsod ay hindi suportado ng mga kaukulang dokumento. Makikita sa particular na annex ng obserbasyon ito na may pinakamalaking gastos sa cash advances at reimbursement ng travel, trainings and seminars ay ang ating kasamahan dito sa Sanggunian na  si konsehala Dyan Espiridion.

Ikaapat,  sinasabi ng COA audit report na various expenditures were charged to special education fund contrary to Sec. 1 of RA 5447 and DBM-DILG joint circular No. 01, on the utilization on the funds, thereby depriving the implementation of priority projects.

Hindi ko na naman maiwasang mag isip ng masama sapagkat sa mga obserbasyon ng COA ay palaging nababanggit ang Educational Fund, mukhang bugbog na bugbog na ang pondo sa edukasyon dito sa ating Lungsod. Hindi natin alam kung napupunta ba sa tama ang pondo ng edukasyon. Dapat ang mga batang Calambeño na  pag-asa ng bayan ang dapat na mabiyayaan nito. Mr. Presiding officer, mga kasamahan ko sa  Sangguniang panlungsod noong nakaraang October 2009, sa tulong ng ating mga kaibigang dalubhasa at professor  ng  Ekonamiya buhat sa Ateneo at U.P graduate school, ay nagconduct sila ng isang overview patungkol sa kasalukuyang economic condition ng ating bansa, kasama sa maikling presentation ay nasaksihan ng ibat ibang departamento ng City Government of Calamba. Ng ipinakita ni Professor Alinsunurin ng Ateneo Graduate School ang Graph ng pinakamalaki at pinakamataas na budget allocation ng Education sa buong Region 4-A ay lumabas na Number 1 at may pinakamalaking budget allocation ay ang City of Calamba, nagpalakpakan at natuwa ang mga empleyado, subalit ng lumabas at pinakita ang sumunod na graph kung saan ipinakita ang siyudad at lalawigan sa Region 4-A na nakakuha ng mataas na porsyento ng pumasa sa aptitude exam na  na ibinibigay sa elementarya panghuli at pang kulelat ang siyudad ng Calamba, nawala ang palakpakan tumahimik ang lahat.Malaki ang budget allocation ngunit maliit ang output nito.

Mr. Presiding officer mukhang nagkakatugma ang pag aaral ng Ateneo at U.P sa obserbasyon ng COA na nagsasabing mali at hindi tama ang pag gastos sa educational fund ng ating siyudad. Maaaring hindi talaga sa edukasyon napupunta ang pondo. Kawawa ang mga kabataan sa Lungsod ng Calamba. Hindi rin po ako ang nagsasabi niyan makikita niyo po lahat yan sa 51 pahina na COA audit report.

Councilor Dyan Esperidion, redeem yourself kung aking maaalala ikaw ang Chairman ng Educ noong 2008, still you failed to see the weakness and problem of Education in our City. I dare you Councilor Dyan Esperidion to accompany me in filing a case against the accounting department.

Panglimang obserbasyon, pang labing tatlo sa COA report, The City Government failed to regularly remit the 30 % share of the 54 baranggays on the basic Real Property Tax (RPT), including interest thereon contrary  with section 271 b and d of RA 7160, thus depriving the baranggays for the timely use of funds to sustain their operation.

Sa obserbasyon ito ng COA mukhang may kinalaman ito sa mga kwentong naririnig ko sa mga kapitan na baranggay na para bang sila’y nagpapalimos sa accounting office kapag sila ay nagpa follow up ng kanilang share sa Real Property Tax.

The City Government failed to regularly remit the 30% share of the 54 barangays according to COA report. Ag mga tanong ko pa ay:

  1. Sina- sadya ba ng City Accountant na ma-delay ang release ng share ng Barangay sa kanilang Real Property Tax.
  2. Kung ito ay sinasadya para saan po to?
  3. May kinalaman ba ito sa Politika?

Mr. Presiding Officer pinaparating ko po sa ating City Accountant sa usapin ng delikadesa, upang di mapahiya ang buong City Government at ang ating City Mayor, marapat na siya ay mag leave o mag resign na sa laki ng kahihiyaan na kanyang ginawa.kung di po siya mag reresign as a Councilor of this City , mapipilitan po akong iakyat ito sa Ombudsman sa darating na March 11, 2010 ang problemang ito.

Magandang Tanghali at Salamat po sa inyong lahat!"


 

 

Last Updated on Monday, 11 July 2011 06:46

Add comment


Security code
Refresh