Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Nañola at Yaon ng Calamba City, Lusot sa Palarong Pambansa

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 



argaiv1703

Wagi sina Christian Nañola at Michelle Yaon, sa larangan ng chess pawang mga taga Calamba sa naganap na Southern Tagalog Calabarzon Athletic Association (STCAA) na ginanap sa San Luis Recreational, Educational and Cultural Sports (RECS) Complex, Sta. Cruz, Laguna. Pebrero 19-25.


Si Nañola ay mula sa Laguna College of Business and Arts na nagkamit ng Gold Medal (high school boys) sa limang panalo at 2 draw sa pitong laro. Samatala Silver Medallist (high school girls) naman si Yaon  mula sa St. Simon Montessori School, apat na panalo at tatlong draw.

Apat na division ang kalahok sa STCAA na binubuo ng 120 ang kalahok.


Samantala, ang mga lumusot para sa 2012 Palarong Pambansa ay sina Christian Nanola (Calamba); Carl Angelo Perez (San Pablo); Antoinette San Diego (Dasma); Michelle Yaon (Calamba) pawang mga High School. Jasper Marce (Sta. Rosa); Jayson Danday (Dasma); Alexis Ann Osena (Quezon) at Geraldine Guyo (Cavite) sa elementary.


Ang palarong Pambansa ay gaganapin sa Lingayen, Pangasinan sa May 6-12.---MJ PEDRAJA

chess4

 

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER

Last Updated on Friday, 24 February 2012 06:34

Comments  

 
0#1albert delos santos2012-02-24 08:28
go calambeño,.. galingan nyo
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh