Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

MGA MENOR DE EDAD, HULI SA PANLOLOOB NG BANGKO

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Huling-huli sa kuha ng closed circuit television (CCTV) ng Malarayat Bank sa Mayapa, Calamba City ang ilang menor de edad na tinatangkang nakawan ang vault nang nasabing bangko.


Ang mga nahuli ay kinilalang sina John na edad 12, Emil na edad 10 at Michael, 17 taong gulang. Kita sa CCTV na hinahalungkat ng mga bata ang mga gamit sa loob ng bangko at pilit na pinipihit ang vault nito gamit ang isang plais.  Walang nakuhang anuman ang mga suspek kaya lumabas na lang ulit sila mula sa pinagpasukan nilang butas ng aircon.


 
“Kasi marami hong pera eh, magsisingit daw sa [bayag] pag may nakuhang pera,”sabi ni John. 


Ayon kay Insp. Reno Mendoza, tagapagsalita ng Calamba Police, malamang ginamit lang ng ilang matatandang magnanakaw ang mga batang nahuli. Subalit iginiit ng tatlo na hindi sila parte ng sindikato. Ayon kay Michael, nang Makita ni John na naka-lock ang pinto ng bangko ay binutas nila ang bubong ng bangko at pumasok.

 

Sinabi naman ng bangko na wala talaga silang guwardiya kapag Sabado at Linggo at naka-off rin ang kanilang alarm. Pangako ng bangko na higpitan ang seguridad sa kanilang establisimiyento. Kasalukuyang wala pang nagpapakilalang mga magulang ang dalawang nakababatang suspek at nasa pangangalaga ng DSWD samantalang si Michael naman ay kakasuhan ng attempted robbery.---M.PALENTINOS



malarayat



 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER



Last Updated on Wednesday, 22 February 2012 09:44

Add comment


Security code
Refresh