Inumpisahan nang alisin ang ilang business establishment sa tabi ng National Road sa Brgy. Mayapa, Calamba City. Bahagi ito nang programa road widening ng pamahalaan sa lugar. Tinatayang aabot sa daang pamilya ang maaapektuhan kung matutuloy ang proyekto.
Nagkusang-loob ang mga nagpagiba ng kanilang mga establisimiento bilang utos na rin ng barangay at Pamahalaang Panlungsod. Subalit sa kabila nito, marami pa rin ang nagmatigas na hindi ipagiba ang kani-kanilang kinatitirikang lugar.
Nitong nakaraang taon ay isinarado ang kahabaan ng nabanggit na daan upang magbigay ng oras sa konstruksyon ng Canlubang Bridge. Pinutakti naman ito ng reklamo dahil sa abalang idinulot nito sa mga naninirahan sa Canlubang at iba pang barangay.
Hanggang ngayon, hindi pa nagagamit ang parte ng pinaluwag na tulay sa dahilang hindi ito sakto sa daaanan na nasa lugar. Sa ngayon, umatayong pedestrian walk way ang dalawang lane na dinagdag sa tulay.

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 22 February 2012 10:21