
CALAMBA CITY, LAGUNA. Muling binuksan at tinalakay sa pulong ng Komite ng Prangkisa, Transportasyon, at Pampublikong Kagamitan noong ika-15 ng Pebrero 2012 ang mainit na usapin hinggil sa paglalabas ng veto mula sa Punonglungsod laban sa 2011 Calamba City Traffic Code o Ordinansa Bilang 511. Tinalakay sa nasabing pulong ang mga seksyon ng naturang ordinansa kung saan mariing tinututulan o dili kaya’y tuwirang hindi sumasang-ayon ang Punonglungsod.
Hon. C.N. Lajara | Sa pangunguna ng Committee Chair ng Transportasyon na si Kagalang-galang Christian Niño S. Lajara ng Sanggunian Panlungsod, ang mga nasabing komento ng Punonglungsod ay maaari namang ilagay o gawan na lamang ng pag-amyenda. Turing pa niya, ang mahalaga sa ngayon ay ang maipasa ang naturang batas panlungsod sa lalong madaling panahon upang mapakinabangan ng mas maraming mamamayan ng Calamba ang ordinansa na itinuturing niya bilang isa sa susi ng patuloy na pag-unlad ng siyudad. |
Sa naging pahayag naman ng ilang mga konsehal na bahagi sa naturang komite, tanggap naman nila bilang bahagi ng Sanggunian Panlungsod ang komento ng Punonglungsod, gayunpaman, ang naturang pagsasagawa ng mga nauukol na batas ay pangunahing gampanin nila bilang lokal na mambabatas at hindi ng ehekutibo.
Dahil dito, nagtapos ang pulong ang nakatakdang ipasa para sa ikalawang pagbasa ang nasabing resolusyon ukol sa 2011 Traffic Code of Calamba City.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 22 February 2012 07:54