Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

DOCE DE PEBRERO, GINUNITA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 


Upang gunitain at alalahanin ang kabayanihan at kagitingan ng mga Calambeño noong panahon ng Hapon, ginunita ang ika-67 taong anibersaryo ng Doce de Pebrero, sa liwasan ng Mababang Paaralan ng Lingga, Pebrero 12.


Nagsimula ang programa sa isang misa na ginanap sa Saint Peter Saint Paul Parish at sinundan ng pag-aalay ng mga bulaklak ng mga pamilyang naiwan ng mga nasawi. Agad itong sinundan ng isang palatuntunan na kung saan iba’t-ibang klaseng presentasyon ang natunghayan.


Pinangunahan ng Tinig sa Baybay Lawa ng Calamba ng Calamba Bayside NHS ang programa sa pag-awit ng pambansang awit at ng Himno ng Calamba. Nagbigay naman ng mensahe ang mga kapitan ng Palingon at Lingga na sina Kapitan Melchor S. Mujer at Kapitan Bryan Ercia.  Dumalo rin sa programa ang Lions Club Association at ang Calamba Tourism upang makibahagi at makiisa sa pagdiriwang ng Doce de Peberero.


Nagpakitang gilas naman ang mga mag-aaral ng III-Inductor ng  Calamba Bayside NHS sa pag-arte at mag-aaral ng Special Program in The Arts (SPA) sa TULAYAW.  Ayon kay Eulogio T. Tañala Jr., lubos ang kanyang kasiyahan dahil patuloy pa ring inaalala at binibigyang pagpapahalaga ang Doce de Pebrero na masasabing isang makasaysayang pangyayari lalong lalo na sa mga taga-Aplaya.


“Sana’y ‘wag makalimutan ng susunod na henerasyon na gunitain at yakapin ang ating sariling kasaysayan lalong lalo na ng mga taga-Aplaya...” turan ni Tañala.

 

Nagbigay din ng  mga gawad arangal ang Samahan ng Doce De Pebrero sa mga natatanging paglilingkod ng ilang kaguruan na natapos sa kanilang termino sa pagtuturo.  Nagkaroon din naman ng parada sa oras na ala una ng hapon at sinundan ng gilas at pagtatanghal sa Baywalk sa oras na ikalawa na hapon. Nagkaroon din ng presentasyon kinagabihan na ginanap sa Covered Court ng barangay Lingga.


Sa parehong araw ay ginunita rin at nag-alay ng bulaklak ang ilang opisyales ng Calamba at ilan pang kaanak ng mga nasawi sa Real Elementary School.  Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Samahan ng Doce de Pebrero sa pangunguna ni Dr. Eulogio T. Tañala Jr. pangulo ng samahan.---SAMMY GRUBANZO



adoce

 

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Wednesday, 22 February 2012 10:15

Comments  

 
0#1maria ayrin b. adria2012-04-27 15:41
:D nice.. very informative.... nakatulong ng sobra sa ginagawa kong report... thanks and more power... hope every activities of the bayside should be written comprehensively also.. thanks
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh