Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Mga Maliliit na Negosyante ng Mercado de Calamba Nanawagan ng Aksyon mula kay Mayor Chipeco!

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 


Matapos ang pormal na pagbubukas ng Mercado de Calamba noong ika-7 ng Hunyo 2011, nahaharap pa rin sa maraming isyu at agam-agam mula sa mga maliliit na negosyante ng Calamba ang nasabing pamilihan. Malaki ang inaasahan ng mga nasabing maliliit na negosyante sa pamahalaang panlungsod na mapalakas ang nasabing pamilihan upang hindi umano masayang ang pondo na inilaan sa pagpapagawa ng Mercado de Calamba.


Ayon kay G. Boyet Gonzales, Chairman ng Mercado de Calamba Credit Cooperative, wala pa umano silang makitang konkretong  programa ukol sa pagsusulong sa pamilihan kung kaya’t mula ng ito ay mabuksan, kasabay ng kanilang pagtinda, at habang lumalaon, matumal pa din ang kanilang kita. Dumaraing na umano ang kanyang mga kasamahan at kanila sanang gustong ipaabot sa pamahalaang panlungsod na ilipat o idirekta sa Mercado de Calamba ang bagsakan ng mga produkto na nasa Calamba Trade Center na kung saan ay doon pa sila bumibili ng mga paninda. ito umano ay hindi kaaya-aya sa kanila bagkus ito ay nagdudulot pa ng pagkalugi sapagkat bibilhin nila ang mga nasabing produkto sa mataas na halaga, at kanila ring papatungan upang sila ay kumita. Ngunit dahil nga sa matumal ang mga taong pumupunta sa Mercado, kaya’t wala halos silang kinikita. Lalo pa sanang madadagdagan ang kanilang pasanin kung magbabayad pa sila ng Php1,800 na stall fee kada buwan, kaya’t ito ay ipinaabot nila sa tanggapan ng punonglungsod at kanilang napag-kasunduan na  magtatalaga ng tiket na nagkakahalagang bente pesos na siyang kokolektahin araw-araw.


Ang nasabing proseso ay pansamantalang siyang ipinapatupad sa Mercado habang hindi pa nakakabawi ang mga maliliit na negosyante. Kanya pang idinagdag na marami pa ring bakanteng espasyo na hindi nagagamit upang pagtindahan na kanilang pinanghihinayangan. Binigyang diin din ni G. Gonzales na dahil nga sa pagkakaroon  ng mga makabagong pamilihan katulad ng SM Supermarket, Puregold, Savemore, Waltermart at ang mahigpit nilang ka kumpetensya, ang Calamba Trade Center na pagmamay-ari ni Konsehal Morales, kaya umano hirap makasabay ang Mercado de Calamba, kung bibigyang pansin umano ang pampublikong pamilihan, possible itong mapalakas. Pilit din nilang hinihikayat ang kanilang mga kasamahan na nasa Calamba Trade Center  na lumipat sa Mercado upang mapalakas ang pampublikong pamilihan.


Kaya naman, mula sa hanay ng mga maliliit na negosyante sa pangunguna ng samahan ni G. Boy Gonzales, sila ay nanawagan kay Konsehal Jose Morel Manaig, bilang tagapangulo ng komite ng Market at Slaughterhouse na bigyang pansin ang kalagayan ng pamilihang panlungsod at pati na din ang mga kinatawan ng Market Administration sa pamumuno ng opisina ng punonglungsod sa katauhan ni Mayor Joaquin Chipeco na kung saan, dalawang beses lang umano tumuntong ng Mercado, na makipag-ugnayan sa mga manininda at sana ay ugaliing dumalaw sa Mercado ng makita naman nila at mapakinggan ang nais ipaabot ng samahan at ng iba pang maliliit na negosyante.----M.CANDANO


mercado

 

 

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER

Last Updated on Tuesday, 28 February 2012 07:46

Add comment


Security code
Refresh