Hindi maikakaila ngayon na dito sa ating bansa, bukod sa paboritong laro ng mga kalalakihan na basketball, paborito na rin ng mga Pinoy ang larong Football. Malaking tulong dito ang popularidad ng Team Azkals at ang sikat na sikat na mga miyembro nitong sina Phil at James Younghusband.
Sa pagbubukas ng Calamba Football Festival nuong Sabado sa Siyudad ng Calamba, ay halos bukam-bibig ng mga kabataan kung sino ang kanilang paboritong manlalaro. Lahat ay ang magkapatid na Younghusband ang isinagot.
Sa opening ceremonies ng Football Festival panauhing pandangal ay ang mismong Vice President ng FIFA (Fédération Internationale de Football Association), ang Prinsipe ng bansang Jordan na si Prince Alibim Al-Hussein. Mensahe ni Alibim na nakikita niya ang mabilis na pagsikat at pagsulong ng larong Football sa Pilipinas. Dahil dito ay nakahanda ang prinsipe na magkaloob ng halagang 25,000 US Dollars taun-taon bilang pagsuporta sa pagpapasigla at pagpapalakas ng larong Football. Ang pondong ito ay makakatulong upang ma-develop ng mga kabataang manlalaro at makabuo ng isang world class team na pambato ng bansa tulad ng Team Azkals. –-CJ ALCANTARA
Watch Related Video http://youtu.be/ZNHiVjcnNzY

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 22 February 2012 07:41