Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

GOLDEN RICE SAGOT SA VITAMIN A DEFICIENCY SA BANSA AYON SA PHILRICE

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 


Los Baños, Laguna---Sa panayan kay Dr. Antonio Alfonzo, Chief Science Research Specialist at Director ng Crop Biotech Center ng Philippine Rice Research Institute o  PhilRice, ay ipinahayag niya ang malaking pontensyal ng Golden Rice bilang kasagutan sa problemang kakulangan ng Vitamin A at malnutrisyon, partikular sa mga third world countries tulad ng Pilipinas.


Taun-taon ay nasa 670-libong bata ang namamatay, samantalang nasa 350-libong bata naman ang nabubulag sa buong mundo dahil sa kakulangan ng Vitamin A.  Ang Vitamin A deficiency ay ang itinuturong sanhi ng maiiwasan sanang pagkabulag sa mga bata, paghina ng immune system, at night blindness at mataas na risk ng maternal mortality sa mga nagdadalang-tao.


Naniniwala ang mga siyentista na sa pamamagitan ng Golden Rice ay masosolusyunan ang pandaigdigang suliraning ito.  Ayon kay Dr. Alfonso, ang golden rice ay isang genetically modified crop na kung saan ay ang palay ay dineveloped na magkaroon ng isang carotenoid na tinatatawag na beta-carotene, na nagiging Vitamin A kapag naproseso ng katawan.  Ang beta-carotene ang nagbibigay sa palay ng ginintuang kulay nito kaya ito ay tinatawag na “Golden Rice”.


“Ang golden rice ay tinitingnan bilang isang karagdagang pamamaraan para masolusyunan ang problema sa kakulangan sa bitamina A.  Sang-ayon sa pinaka huling pag-aaral, ang isang tasa ng golden rice na kanin ay maaaring magbigay ng kalahati ng pangangailangan ng Vitamin A ng katawan sa isang araw, kumbaga kung tayo ay kumain ng 2 tasang golden rice sa isang araw ay sapat na iyon sa pangangailangan natin.  At alam naman natin ang mga pinoy ay mahilig sa kanin, malaki ang tyansa na ang golden rice ay makaragdag sa kakulangan natin sa Vitamin A.  Ang beta carotene ay nagiginga vitamin A sa ating katawan, kung may sapat ng Vitamin A, ang sobrang beta-carotene ay itinatapon din ng katawan.  Ang sobrang Vitamin A ay di din mabuti sa katawan, may overdose na tinatawag.  Pero ang Beta carotene ay walang overdose.

Ang teknoliohiyang golden rice ay nagsimula sa Europe sa pagtutulungan nina Peter Beyer at Ingo Potrykos, pinagsama nila ang kanilang expertise, pinag-aralan nila kung papaano nabubuo ang beta carotene sa halaman at paano makukumpleto ang proseso sa palay para pagdating sa dulo ay may beta carotene.  Ang pananaliksik na kanilang ginawa ay pinondohan ng private sector. Nang madevelop ang golden rice ay idinonate nila sa private sector for humanitarian use para sino mang gustong gumamit nito o farmers na magtatanim nito ay di na kailangang bayaran ang technolohiya.  Ang Pilipinas ay napili sa Golden Rice Project para maka develop ng Golden rice na angkop sa bansa.”----Dr. Antonio Alfonzo

 

 


Sa kasalukuyan, ay katatapos lamang ng confined field testing ng Golden Rice.  Ibinalita din ni Dr. Alfonzo, na nagawa na ng kaniyang team na makalikha ng Golden Rice version ng palay na PSB Rc82, isang local variety ng palay na kalat sa Pilipinas at gustong gusto ng mga magsasaka dahil ito ay mataas umani, masarap kainin at matatag sa peste.  Umaasa ang mga Pilipinong siyentista na makagawa ng isang palay na may katangian ng PSB Rc82 na may karagdagang Vitamin A.

Bagamat may mga organisasyong tumututol sa mga pagkaing likha sa loob ng laboratoryo o genetically modified, ay tiwala ang mga agronomista na kapag dumating na ang panahong ang Golden Rice ay ipamamahagi na sa mga magsasaka, makatitiyak ang publiko na ito ay walang panganib na maidudulot sa mga tao, hayop at kapaligiran, dahil ito ay sasalang sa masusing batayan ng Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry.


 

alfonzo

 

Dr. Antonio Alfonzo, Head Golden Rice Project

 

 

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER

Last Updated on Wednesday, 15 February 2012 04:22

Add comment


Security code
Refresh