Camp Vicente Lim, Laguna- Mahigit sa 50 police officer ng Laguna ang sumailalim sa drug test noong Pebrero 3, 2012 kaugnay sa kampanya laban sa bawal na gamot.
Lahat ng 30 police chiefs sa ilalim ng pangunguna ni Senior Supt. Gilberto Cruz, Laguna Police Provincial Office (PPO) director at ang iba pang pulis sa kampo ay nagsagawa ng test sa Laguna Crime Laboratory.
Ayon kay Cruz ang mga pulis na magpopositibo sa bawal na gamot ay kakaharapin ang criminal at administrative charges at pagkatanggal sa serbisyo.
Nais din malaman ni Cruz kung mayroon mga pulis ang sangkot sa illegal na gawaing ito.
Samantala, kahapon (Peb.7) sumailalim ang Police Non-Commission Officers sa nasabing test.---MJ PEDRAJA

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph