Ngayong linggo ay pormal ng nagbukas ang kantina para serbisyuhan ang mga kawani at mga mamamayan sa City Hall ng Calamba. Sa ilalim ng pangangasiwa ng Calamba City Employees’ Multi-Purpose Cooperative (CCEMPC), inaasahang ito ay mas magiging kapakipakinabang sa mga miyembro nito na mga kawani din ng City Hall. Bilang isang kooperatiba, ang bawat miyembro nito ay magkakaroon ng bahagi sa kikitain ng bawat negosyong papasukin ng samahan sa pamamagitan ng patronage dividend. Ayon sa Chairman ng Coop na si Maria Dolores Armamento, maaaring magtinda sa kantina ang mga miyembro ng samahan. Kinakailangan lamang na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan. Ipinababatid din ni Bb.Armamento na pansamantala lamang ang pagbabawal sa mga ambulant vendors na magtinda sa loob ng City Hall.
Matatandaang Oktubre ng nagdaang taon ay naaprubahan sa Sanggunian Panlungsod, sa pamamagitan ng Committee on Franchise, Transportation and Utilities, ang resolusyon na nagbigay ng pagkakataon sa kooperatiba na makuha ang sole operation and management ng City Hall Canteen matapos ang kontrata ng nagdaang private concessionaire. Naniniwalala ang si Konsehal Niño Lajara, Tagapangulo ng naturang komite, na sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga samahang tulad ng kooperatiba ay natutulungan ang mga kasapi nito na mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 08 February 2012 05:37