Uumpisahan na ngayong Pebrero 1 ang pagtanggap ng mga bus drivers at konduktor ng regular na pasahod.
Umaasa sa quota at porsyento ng kita ang mga drivers at konduktor sa lumang iskema ng pagpapasahod sa kanila. Ngayon, regular na silang tatanggap ng suweldo at magkakaroon na rin sila ng minimum na walong oras na trabaho sa isang araw.
Ito ang iniutos ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Land Transportations and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa mga bus operator sa buong bansa sa kabila ng pagtutol ng huli.
Maliban sa fixed salary na matatangap ng mga driver at konduktor, tatanggap rin sila ng performance-based salary.
Hakbang ito ng gobyerno sa kampanya laban sa mga reckless bus drivers na madalas nagdudulot ng aksidente dahil sa pag-uunahang makakuha ng mga pasahero.

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Comments
RSS feed for comments to this post