Sa pangunguna ng Calamba City Treasury Office ay pinag-aaralan ang posibilidad ng pagkakaroon ng PEZA Moratorium. Sa kahilingan umano ng ilang mga Barangay na sumasakop sa ilang Ecozones sa Calamba, ay iminungkahing pag-aralan kung maaaring makapagpataw ng kaukulang buwis ang barangay sa mga kumpanyang nag-o operate sa kanilang lugar, taliwas sa mismong probisyon ng PEZA na magkaloob ng tax incentive sa mga kumpanyang nasa loob ng Ecozones.
Ang mga kumpanyang under ng PEZA o nasa loob ng Ecozones ay exempted sa national at local taxes bilang incentive nito. Ang PEZA o ang Philippine Economic Zone Authority, ay isang ahensya ng gobyerno na binuo upang mangasiwa sa mga ECOZONES sa ibat ibang panig ng bansa, sa bisa ng Republic Act 7916 o ang The Special Economic Zone Act of 1995.
Ang layon nito ay upang mapasigla ang kalakalan sa bansa sa pamamagitan ng pag-enganyo sa mga banyagang negosyante na mamuhunan sa Pilipinas. Sa kasalukuyan ay mayroong 257 PEZA Operating Ecozones at 2,000 export-oriented na mga kumpanya sa loob nito. Kabilang dito ang 3 government-owned ecozones sa Cebu, Cavite at Baguio.
Bilang panghikayat sa mga foreign investors ay may mga insentibong ipinagkakaloob ang PEZA sa mga kumpanyang magtatayo sa loob ng mga ECOZONES, tulad ng tax holiday at tax incentives, exempted sa national at local taxes. Samantala 5% naman ng gross income ng negosyo ay inireremit sa pamahalaan, 3% sa national at 2% direkta sa Treasury Office ng munisipalidad o siyudad kung saan nakatayo ang kumpanya.
Ang Calamba sa kasalukuyan ay may siyam na ecozones:
Sa kabuoan ng taong 2011 ang PEZA ay nakapag-generate ng 288.34 Bilyong piso ng investment, at nakalikha ng 837,136 bilang mga trabaho.

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph