Pormal na binuksan sa publiko ang National Bureau of Investigation Biometrics Clearance System sa Lungsod ng Calamba pagkatapos ng blessing at inauguration rites nito sa Calamba City Hall Complex, Enero 25. Inaasahang sa pagkakatayo ng satellite office na ito ay mas magiging mabilis at convenient para sa mga mamamayan hindi lamang ng Calamba kundi maging ng mga kalapit bayan ang pagkuha ng NBI Clearance.
Pangalawa ang Calamba sa siyudad na mayroong NBI Satellite office sa lalawigan ng Laguna, ang isa ay sa siyudad ng Santa Rosa.
Para sa mga kukuha ng NBI Clerance, kinakailangang magdala ng mga sumusunod:
Sa loob ng isang araw ay ang unang 300 katao lamang ang mabibigyan ng serbisyo. Samantala, para sa proseso ng pagkuha, kailangang kumuha ng numero sa guwardiya para sa application form, pagkatapos ay magtutungo sa window para sa payment, verification ng ID. Bineberipika din kung tama ang pagkakafill-up, pipila para sa pagkuha ng litrato at thumb marks. Matapos ito ay hihintayin na lamang releasing ng clearance.
Depende sa magiging resulta ng iyong pangalan ang tagal ng pagrerelease ng clearance. May tinatawag na “HIT” at “NO HIT”, HIT kapag ang aplikante ay may kapangalan sa records. Kapag gayon ay kakailanganing bumalik pagkalipas ng dalawang linggo dahil i-check sa records sa tanggapan sa Maynila. NO HIT naman kung walang kapangalan at maaaring hintayin ang resulta sa mismong araw na nagfile.---MJ PEDRAJA

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 01 February 2012 06:01
Comments
SA LOOB NG CITY HALL NG CALAMBA SA BRGY.REAL
RSS feed for comments to this post