Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

600 KILO NG KARNE NAKUMPISKA SA LAGUNA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 


Nagikot ang National Meat Inspection Service o NMIS Calabarzon sa palengke ng Binan bandang 1 a.m, Enero 31,2012.


Ayon kay Alex Bait-it ng NMIS Calabarzon, inabisuhan na ng mga ito ang mga nagtitinda ng karne noon pang Enero 5 na itabi ng maayos ang kanilang mga paninda dahil dapat naka-freezer ang mga ito at nagsabing kukumpiskahin ang nakatiwangwang na frozen meat.


Ngunit sa pagbalik ng NMIS marami pa rin ang hindi sumunod at marami rin ang nagreklamo.


“Malinis naman ang paninda namin. Mga bago ang paninda namin, hindi mga expired. Hindi makatarungan”. Anya ni Elma Darte.

 

Nalimas dito ang 272 kilos ng kanyang paninda.  Pero may iba rin namang sumunod sa utos tulad ni Michael Samson. May dagdag gastos man para sa freezer at kuryente, mas makakasiguro naman sila sa kalidad ng paninda, sabi ni Samson.


Sa kabuuan mahigit 600 kilos na karne ang nakumpiska sa nasabing bayan.  Samantala, sunod sunod na ang magiging operasyon ng NMIS Calabarzon. Ang mga nakumpiskang karne ay dadalhin sa opisina ng NMIS para sunugin.---MJ PEDRAJA

 

binan_market

 

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER

Last Updated on Wednesday, 01 February 2012 04:50

Add comment


Security code
Refresh