7 wins, 3 loses, 1 draw, ito ang naging resulta ng ginanap na “SIMULTANEOUS CHESS EXHIBITION VS YOUTH CHALLENGERS”, na kung saan ay sabay sabay na kinalaban ng Calambeñang si WFM Michelle Yaon ang 11 kabataang manlalaro ng chess.
Ginanap ang nasabing exhibition sa Parañaque City sa pamamagitan ng Don Bosco Chess Club, na layon na bigyan ng pagkakataon ang mga kabataang mahilig sa larong chess na makatunggali ang isang chess master tulad ni Yaon.
Matatandaang nag-uwi ng karangalan para sa bansa si Michelle Yaon noong Disyembre ng tagurian siyang Chess Champion at solong namayagpag sa Girl’s under 17 category sa 2nd Singapore International Youth Championship na idinaos sa Jurong East Sports Complex, Singapore.



CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 01 February 2012 05:49