Binulabog ang City Hall ng Calamba ng isa na namang bomb threat noong ika-24 ng Enero 2012. Isang impormasyon ang natanggap ng hepe ng General Service Office, Segundo Magpantay, bandang ika-siyam ng umaga, na nagsasabing mayroong improvise explosive device ang umano ay nakatanim sa loob ng compound ng City Hall. Kaagad itong ipinaalam sa mga pulis. Siniyasat ng mga tauhan ng Calamba CPS, kasama ang mga taga Regional Bomb Squad, ang buong compound kabilang ang mga satellite offices at ang parking area, subalit walang natagpuang anumang explosive device. Ika-tatlo ng hapon ay itinigil na ang operasyon at sinabing isang practical joke lamang ang naturang bomb threat.
Matatandaang Disyembre ng nakaraang taon lamang ay ganitong sitwasyon din ang nangyari, mayroong bomb threat na natanggap sa pamamagitan ng text, subalit matapos ang buong araw na pagsisiyasat ng mga awtoridad ay wala namang nakitang anomang explosive device.

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph