Biñan City, Laguna---Patay ang dalawang pinaghihinalaang magnanakaw ngayong umaga sa naganap na shoot out sa Biñan City, Laguna.
Ayon kay Senior Superintendent Arnel Escobal, Director ng PNP-HPG CALABARZON, kasalukuyang nagpapatrolya ang mga police officer ng nakita ang dalawa sakay ng motor na walang plate number. Pinatitigil umano ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek ngunit sa halip na huminto, nagpatuloy pa ang mga ito. Hinabol sila ng mga pulis sa hanggang sa San Agustin Village, Barangay San Francisco, Biñan. Matapos magpalitan ng putok, patay ang dalawang suspek.---MJ PEDRAJA

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph