Magiging launch pad ang Pilipinas sa pagbenta sa merkado ng golden rice simula sa susunod na taon.
Nakikitang magiging solusyon ang binhing ito sa kagutuman at malnutrisyon sa buong mundo. Ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa tulong ng International Rice Research Institute (IRRI) naging tagumpay ang pagde-develop ng golden rice.
Nilagyan ng mga scientist ng betacarotene at iba pang carotenoids ang butil nito na tiyak makakatulong sa lumalalang kakulangan ng Vitamin A sa mga bata, mga buntis at maging ng mga breastfeeding mothers. Sinasabing malaking tagumpay ito sa mga Pilipino dahil nagsimula pa ang research sa golden rice noon pang 1982 sa pangunguna ng Rockefeller. May mga pag-aaral pang pinagdadaanan ang uri ng bigas bago ibenta sa mga Pilipino.----M. PALENTINOS

Photo: gatesfoundation.org
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 25 January 2012 08:00