Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

NAAGNAS NA BANGKAY NG LALAKE NATAGPUAN SA ILALIM NG TULAY NG MAYAPA

  • PDF
User Rating: / 2
PoorBest 

 

Calamba Laguna- Isang naagnas na bangkay ng di pa nakikilalang lalake ang pinagkaguluhan ng mga residente sa Calamba Hills Subdivision sa Brgy. Mayapa Calamba Laguna.  Isang 10-taong gulang na bata na si “Tibo” ang nakakita sa bangkay. Ayon kay Tibo ay naghahanap sila ng kaniyang mga kabarkada ng mga basura na maaring ibenta sa ilalalim ng tulay pasado alas 7 ng umaga, ng malanghap nila ang nakakasulasok na amoy. Ilang sangdali pa nakita na niya ang bangkay at agad niya itong itinuro sa kaniyang mga kaibigan at ipinagbigay alam nila kaagad sa mga kinauukulan.


Hinala ng Calamba Police, dahil sa itsura ng bangkay, maaaring nasa apat hanggang limang araw ng patay ang lalake, halos wala na ang mukha nito at malapit na ring mawala ang laman ng kamay at paa nito. Bukod sa maong na pantalon at itim na damit na suot nito ay wala na silang nakuhang pagkakakilanlan dito.


Naging pahirapan sa mga awtoridad ang pagkuha sa bangkay sa ilalim ng tulay na tianatayang may taas na labing limang talampakan kung kayat kinailangan pa ang crane ng fire truck upang tuluyang maiahon ang bangkay. Sa kasalukuyan ay nasa Nazareno Funeral Homes na ang mga labi ng biktima at palaisipan pa rin sa mga awtoridad ang sanhi ng pagkakapaslang dito CJ ALCANTARA

 

bangkay2


 




 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Wednesday, 25 January 2012 07:12

Add comment


Security code
Refresh