Maganda ang pasok ng 2012 sa mga anti-bullying advocates matapos aprubahan sa Mababang Kapulungan ang House Bill 5496.
Ang Anti-Bullying Act of 2012 ay mag-uutos sa lahat ng mga secondary at primary schools na gumawa ng mga anti-bullying policies. Kinukunsidera ang bullying na pinakamalaking non-acedemic issue na kinahaharap ng mga guro sa mga paaralan.
Kasama ang emosyonal, salita at pisikal na pambu-bully sa mga nasa ilalim ng panukala. Kapag naipasa ang batas ay dapat gumawa at magpasa sa Department of Education ang lahat ng paaralan ng mga anti-bullying policies at isama ito sa kanilang student and teacher’s handbook.
Nais rin ng panukala na magdikit sa paaralan ng mga impormasyon kung paano makakaiwas at makakapagsumbong laban sa bullying. Ang mga bullying inidents ay dapat iulat sa mga school superintendents, kung saan ipapasa nila ito sa DepEd na magpapasa naman sa Kongreso.
Isang Komite sa Kongreso ang gagawa ng mga karampatang parusa sa mga paaralang lalabag sa batas.---M. PALENTINOS

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Comments
RSS feed for comments to this post