Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

NEW CIVIL SERVICE ELIGIBILITY LAW, NAISABATAS NA

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 


Pinirmahan na ni Presidente Benigno Aquino III ang New Civil Service Eligility Law na naglalayong maging civil service eligible ang mga naging miyembro ng Sangguniang Baranggay, Panlungsod at Panlalawigan.


Pinapurihan naman ito ni Senador Jinggoy Estrada na sinabing dama niya kung gaano kahirap maglingkod sa mga local government units (LGUs) kaya nararapat lang na gawaran ng civil service eligibility ang mga konsehal.


Sa ilalim ng pinirmahang batas, mabibigyan ng Career Service Professional Eligibility ang mga konsehal na nakapaglingkod ng siyam na taon at nakatapos sa kolehiyo. Samantalang ang mga nakapaglingkod lamang ng anim na taon o higit pa ay mabibigyan rin ng Career Service Sub-Professional  Eligibility kung mayroon siyang 72 units sa kolehiyo.


Ayon pa kay Estrada, dapat itong igawad sa mga konsehal na naglingkod ng matagal sa kanilang mga mamamayan dahil hindi nila iboboto ng paulit-ulit ang isang politiko kung wala silang tiwala rito at hindi sila naglingkod ng mahusay sa taumbayan.---M. PALENTINOS

 

1csc


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER


Add comment


Security code
Refresh