Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

WIKIPEDIA, IBA PANG RESEARCH SITE, NAGPROTESTA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 


Internet Blackout ang ginawa ng malaking online encyclopedia website na Wikipedia at iba pang sites bilang pagtutol sa panukalang batas na pipigil sa online piracy.


Isang buong araw nagsara nitong Huwebes, Enero 19, ang research module na Wikipedia upang tutulan ang pagpasa ng US Congress sa kanilang Stop Online Piracy Act.


Nakiisa naman ang iba pang malalaking network sites tulad ng reddit at Cheezburger humor network sa internet blackout. Samantalang ang pinakamalaking search engine na Google ay ilalagay sa main page nila ang mga impormasyon kung bakit tinutulan nila ang nasabing panukalang batas.


Pinangangambahan ng mga internet sites ang mangyayaring censorship sa kanila katulad na lamang ng ginawa ng China, Iran at Malaysia. Mababawasan rin ditto ang kalayaan para maipahayag ang sarili na isang basic human rights batay sa United Nations.

Dismayado naman ang ilan networking sites sa hindi pagsali sa internet blackout ng social networking giants na Facebook at Twitter sa kadahilanang malaking kita nila ang mawawala sa paghinto ng operasyon.


Noon pa lamang Nobyembre ay lumiham ang mga technology companies tulad ng Ebay, AOL Inc., Zynga Inc., Mozilla, Facebook, Google at Twitter sa ilang kongresista upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa batas.  Babalik naman sa normal ang mga tumigil mag-operate na sites sa loob lamang ng isang araw.---M.PALENTINOS

 

wiki

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER


Last Updated on Friday, 20 January 2012 06:49

Add comment


Security code
Refresh