| Humigit kumulang 200 Punong Ehekutibo ng mga Local Government Units (LGUs) ang pindalhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng show cause order dahil sa hindi pagsunod sa Full Disclosure Policy. |
Sinabini DILG Sec. Jesse Robredo na ang ipapadalang show cause order sa mga local chief executives ay upang makapagbigay paliwanag ang mga ito sa hindi nila pagpansin sa kanilang polisiya sa kabila ng paulit-ulit na paalala at memorandum.
Naaayon sa General Appropriations Act at DILG Circular ang pagbibigay ng lahat ng mga naging transaksyon ng kani-kanilang lokal na pamahalaan upang maipakita ang transparency sa pagitan nila at sa mamamayan.
Ipinaalala ni Robredo na isang krimen ang hindi pagsunod sa kautusan dahil nasa ilalim ito ng isang batas.---M. PALENTINOS
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Comments
RSS feed for comments to this post