Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

BINATA PINASLANG SA LAGUNA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 


Siniloan,Laguna ---
Hindi maipaliwanag ni Gng. Mildred Raniosa Chavez ang kanyang nararamdaman dahil sa pagkakapaslang sa kanyang anak na si Anselmo Chavez, binata, 22 taong gulang, panganay na anak at nakatira sa Brgy. Magsaysay Siniloan, Laguna.


Ayon sa ina ng biktima ang kanyang anak ay nagpaalam sa kaniya na mag aaplay ng trabaho sa Pakil, Laguna noong Enero 9, 2012 sa isang Restaurant.  Umalis si Anselmo  dakong alas 11:00 ng umaga.  Nagpaalam itong doon maninirahan sa kanyang mga kaibigan kung kaya’t may dala itong kaunting damit.  Subalit laking gulat nila ng dumating ang kaibigan ni Anselmo noong Huwebes Enero 12 na hinahanap ito sa kanila at nasabi nitong huling nakita niya si Anselmo noong Lunes alas 8:00 ng gabi.

Kinabahan na ang pamilya ni Anselmo kung kaya’t hinanap na nila ito sa Pakil, Laguna subalit hindi nila ito natagpuan bagkus isang impormasyon ang kanilang natanggap nitong Lunes naman Enero 16 na nakita ang larawan ng biktima sa isang punerarya sa Siniloan, Laguna. Dali-daling pinuntahan ng pamilya ang  naturang punerarya at nakumpirma nilang ito nga si Anselmo.


Ayon sa Police Report ay natagpuan ang katawan ng biktima na wala ng buhay sa may Brgy. Butadero Siniloan, Laguna  sa tabing kalsada malapit sa basurahan.  Nakagapos, may hiwa ng blade sa katawan at tagpas ang leeg.


Labis ang pighati ng pamilya Chavez sa pangyayaring sinapit ng naturang binata. Nanawagan ang pamilya sa kung sinoman ang mayroong impormasyon na makapagtuturo sa salarin ay mangyari lamang na matulungan sila para sa katarungan ng kanilang anak na si Anselmo.

Ang labi ng biktima ay nakaburol sa kanilang tahanan at ililibing sa Huwebes Enero 19. Sa kasalukuyan iniimbestigahan pa ng Siniloan Police Station ang naturang pangyayari.  (Arlene P. Mariposque)

1pnp


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Add comment


Security code
Refresh