Muling patutunayan ang husay ng bagong Woman FIDE Master Michelle Yaon ng Calamba, Laguna sa nalalapit na “Simultaneous Chess Exhibition Vs U12 Youth Challengers” na gaganapin sa 4th Floor Dr. Perez Building, Doña Soledad, Better Living, Parañaque City sa Enero 21,2012, Sabado 9:00 a.m.
Ang nasabing laban ay sa pagtutulungan ni Chess Enthusiast Boyet Tardecilla at Barangay Don Bosco Chess Club honcho Dr. Bong Perez na siyang naimbita kay Yaon sa laban. Ito may layong bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na may husay sa larangan ng chess na makatunggali ang isang Chess Master.
Si Yaon ay haharap sa 25 kalahok na sabay sabay niyang kakalabanin.
Samantala, ang mga kalahok sa exhibition ay mga kabataang nasa edad 12 pababa. Ang mga mananalo ay tatanggap ng gifts, tropeo at medalya.
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph