Isa na namang karangalan ang nakamit ng lahing Pinoy matapos ang pagkapanalo ni Michelle Yaon, 3rd year highschool sa St. Simon Montessori School bayan ng Calamba City, Laguna sa naganap na 2nd Singapore International Youth Championship noong Disyembre 26-31 2011 sa Jurong East Sports Complex, Singapore.
Si Yaon ay tinaguriang Chess Champion at solong namayagpag sa Girl’s under 17 category nang pataubin niya si Gole Shweta ng India.
Ayon kay Yaon, naging paghahanda at pagsasanay niya ang paglalaro ng chess sa internet at pagaaral ng ibang moves. Sipag at tiyag, malalim na pagiisip at determinasyon para manalo ang naging batayan niya upang makarating sa kalalagayan niya ngayon.
Samantala bukod sa pagkapanalong ito, si Yaon ay matagal na ring nanalo sa larangan ng chess sa iba’t ibang kompetisyon tulad ng Group, Regional, Palarong Pangbansa (2 beses) at STCAA (5 beses).---MJ PEDRAJA

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph