Nagpaliwanag ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa maraming katanungan ng bagong ipinatutupad na programa ngayon ng naturang tanggapan na K+12.
Ayon kay Generiego Javier mula sa DepEd Batangas City Division, layon nitong mas mapabuti ang basic education ng mga magaaral. Ang dalawang taon na madadagdag sa pag-aaral ay kapag natapos na ang apat na taong high school program kung saan tatawagin itong senior high school.
Ang programang ito ay sinimulan noong nakaraang taon sa universal kindergarten program at pasisimulan ngayong taong ito ang bagong curriculum mula Grade 1 hanggang Grade 7 (highschool year1). Ang Grade 11 naman (highschool year 5) ay pasisimulan sa 2016 at Grade 12 (highschool year6) ay sa taong 2017.
Ipinaliwanag din ni Javier na layunin din ng programa na matukoy ang dahilan ng kawalan ng kaalaman sa dami ng pinag-aaralan, kawalan ng interes at patuloy na pagtaas ng bilang ng dropouts na magaaral.
Ang K+12 ay naaayon sa interes ng magaaral kung saan may mga elective subjects na maari nilang piliin, maari ring magsagawa ng home schooling program sa mga magaaral sa elementary at magbukas ng dropout reduction program sa mga sekondarya. Nakipagkasundo na rin ang DepEd sa mga business organizations, local at dayuhang chamber of commerce and industries upang ikonsidera ang mga graduates ng K+12 sa mga posibleng trabaho na maaring nababagay at nararapat sa kanilang kakayahan.
Nagsasagawa din sila ng specialization ukol sa asignaturang Math, Science at English at base sa kanilang interes kung saan magiging sentro ang academics, mile-level development, sports at arts. Sasailalim din ang mga mag-aaral sa aptitude test, career assessment exam at occupational interest inventory.---MJ PEDRAJA

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph