Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

DALAWANG PAMPASAHERONG BUS NAGSALPUKAN DRIVER PATAY 27 SUGATAN

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

ALAMINOS LAGUNA--- Dead on the spot ang driver ng AB Liner Bus na si Avilino Orian  tubong Palsabangon Pagbilao, Quezon matapos silang salpukin ng  pampasaherong bus na Eaglestar Transit Corp.  sa Maharlika Highway Brgy San Agustin Alaminos Laguna.  Umabot sa 27 katao ang nagtamo ng minor injuries na isinugod sa dalawang pagamutan sa San Pablo Laguna.


Sa inisyal na imbestigasyon ng Alaminos Police, galing Alabang ang AB Liner na biyaheng Lucena Quezon habang galing pa sa Samar Leyte ang Eagle Star Bus na papunta sana ng Maynila na minamaneho ni Radito Calungsod na taga Brgy Union Mayorga Leyte.  Naunang  sumalpok ang Eaglestar Bus sa nasa unahan nitong van na may plakang WLG 721 at minamaneho ng isang Ronaldo Dimasapit.  Sanhi ng madulas na kalsada ay bumalandra ito sa highway  kaya nasalpok ang paparating na AB Liner.


Wasak na wasak ang parehong unahan ng dalawang bus kung kayat naipit ang driver ng AB Liner at umabot ng halos isang oras bago ito natanggal mula sa pagkakaipit.  Suwerteng galos lamang sa mukha ang natamo ng kabanggaan nito.

Nangako naman ng tulong ang kompanya ng Eagle Star sa mga biktima habang mahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide at Multiple Physical Injuries and Damage to Property ang kakaharapin ni Radito Calungsod –CJ ALCANTARA

 

abliner


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER


Last Updated on Friday, 06 January 2012 00:34

Add comment


Security code
Refresh