P2-M HALAGANG ‘PCF-ASSISTED PROJECTS,’ IPINAGKALOOB NG DILG SA DALAWANG BAYAN SA CALABARZON
- Thursday, 05 January 2012
- Written by Calamba Super Administrator
CALAMBA CITY, Laguna- Dalawang bayan sa Calabarzon ang pinagkalooban ng Department of Interior and Local Government (DILG)-4A ng P2 milyong tulong pinansiyal sa ilalim ng Performance Challenge Fund (PCF)-assisted projects nitong Enero 3, 2012.
Kinikilala ng PCF ang maayos na pamamahala ng mga lokal na pamahalaan partikular sa pagsunod sa “good housekeeping” sa larangan ng pamamahala na may kaugnayan sa mga insentibo at pahiram na pondo.
Ang mga bayang benepisaryo sa Calabarzon ay ang Mataasnakahoy sa Lalawigan ng Batangas at Pitogo sa Lalawigan ng Quezon. Bawa’t bayan na nabanggit ay nakatanggap ng tig-isang milyong pisong tulong pinansiyal mula sa PCF bilang ‘counterpart’ sa pondong inilaan ng mga pamahalaang lokal ng Mataasnakahoy, P200,000 at Pitogo, P500,000.
Sa pamamagitan ng pondong inilaan mula sa PCF, ang pagsasa-ayos at rehabilitasyon ng municipal rural health center ng Mataasnakahoy ay maisasagawa na habang ang konstruksiyon ng ‘farm-to-market-road’ (FMR) sa Pitogo ay mapasisimulan na.
Isang 4th class municipality, karamihan sa kabuhayan ng mga tao sa Mataasnakahoy ay mula sa agrikultura at pangisda. Ipinagkaloob ang PCF dito dahil sa kagalingan sa ‘good planning,’ ‘valuing performance information’ na nakapaloob sa Seal of Good Housekeeping (SGHK). Ito rin ay nakakuha ng mataas na marka sa bahagi ng ‘sound fiscal management,’ at ‘transparancy and accountability.’
Sa kabilang banda, ang Pitogo na isa ring 4th class municipality at pangisda at agrikultura ang pangunahing kabuhayan ng mga residente ay nakuha ang PCF dahil sa kagalingan din nito sa ‘good planning,’ ‘transparency and accountability,’ ‘valuing performance information,’ at ‘sound fiscal management.’
Ang PCF bilang pondong insentibo ng DILG ay isang ‘counterpart funding scheme’ para sa ‘high-impact capital investment projects’ na nasa annual investment program (AIP) at pinopondohan mula sa 20 porsyentong ng local development fund alinsunod sa ‘national goals and priorities.’ Hinihikayat nito ang pagsunod ng mga ‘local development investments program’ sa ‘national development goals and priorities’ upang makamit ang millennium development goals (MDGs). Isinisulong din nito ang ‘local economic development’ at pagsunod sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 at Climate Change Adaptation Act of 2009.
Sa pamamagitan ng PCF, ang mga mahihirap na lokal na pamahalaan ay tutulungan sa pagpapaunlad at pagpapatupad ng mga proyekto para sa kaunlaran ng lokal na ekonomiya at pagbabawas sa kahirapan. Gayundin, ang mga ito ay ma-eengganyo upang lalong pagbutihin ang pamamahala para makakuha ng suportang pinansiyal para sa pagpapasimula at pagpapanatili ng mga insyatibo para sa kaunlaran ng lokal na ekonomiya upang malunasan ang kahirapan sa kani-kanilang nasasakupan. (CPG-DILG4A// Arlene P. Mariposque
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
DISCLAIMER
Last Updated on Thursday, 05 January 2012 23:31Add comment