| Mag-aalas 12:00 kagabi, nang harangin nila ang negosyanteng si Simon Valencia, na kalalabas lang ng opisina, dala ang malaking halaga ng pera. Nakasuot pa umano ng t-shirt ng pulis ang mga salarin, kaya huminto si Valencia nang siya'y harangin sa Yesmo Road, Cabuyao Laguna. Nagawa naman ni Valencia na isulat sa kanyang palad, ang plaka ng sasakyan na ginamit ng mga suspek at agad itinawag sa mga pulis. Kung kaya’t agad gumawa ng hakbang ang mga ito at dahil sa nakipagpalitan ng putok sa mga pulis ang mga suspek ay namatay agad ang 2 suspek, na tadtad ng bala sa katawan. At arekober sa pinangyarihan ang dalawang kalibre .45 baril at isang Granada at maging ang pekeng t-shirt ng na ginamit ng mga ito ay nabawi rin at pati ang ninakaw na pera. Samantala, pinaghahanap pa ang nakatakas na suspek na sakay ng motorsiklo hanggang sa ngayon. (Arlene P. Mariposque) |
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Comments
RSS feed for comments to this post