Patay ang isang lalaki matapos barilin at hampasin sa ulo sa Brgy.Kabalikat Magsaysay Road San Pedro Laguna. Isang tama ng baril sa ulo at hampas ng bato ang tumapos sa buhay ni Jesse Celeste, 30 taong gulang.
Ayon sa tiyahin ng biktima na si Feliza de Paz, 62 taong gulang, may banta na umano sa buhay ng kanyang pamangkin sa dating pinapasukan nitong trabaho. Balak daw kasing ireklamo ng biktima ang dating amo dahil sa hindi nito pag papasweldo ng nasa oras.
Salaysay naman ng kasalukuyang employer ng biktima na magkakasama pa silang umuwi ng araw na yaon at nabanggit ng kanilang sekretarya na napansin nitong may sumusunod sa kanilang dalawang lalake.
Kasalukuyang nasa ilalim ng imbestigasyon ng San Pedro Police ang naturang kaso.---CJ ALCANTARA

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph