Ito ang malakas na hiyaw ng mga mag-aaral at taga-suporta ng Calamba Bayside National High School- Special Program in the Arts (CBNHS-SPA) matapos masungkit ang unang pwesto sa ginanap na Street Dancing Contest sa The Plaza, Real, Lunsod ng Calamba, ika-3 ng hapon Disyembre 15.
Ayon kay Mr. Jayson Malinao, tagapagsanay at guro sa CBNHS, matapos ang sunod-sunod nilang pagkakatalo sa nasabing kumpetisyon, sa wakas ay maiuuwi na rin nila ang matagal na nilang minimithing pagkakapanalo.
“Muli lang naming binawi ang unang pwesto dahil halos dalawang taon na rin ng nakuha naming ang first place. Nakakatuwa dahil napatunayan naming na we deserve to win this competition,” turan ni Malinao.
Nakamit naman ng Camp Vicente Lim National High School ang ikalawang pwesto at pangatlo naman ang Calamba National High School. Para naman sa elemntarya, nasungkit ang Crossing Elementary School ang unang pwesto; nasa ikalawang pwesto naman ang Tyani Elementary School at pangatlo ang Real Elementary School.
15 ang naglaban-laban sa sekondarya at siyam sa elementary. Nagkamit naman ng 30 libong piso ang unang pwesto, 25 libong piso para sa ikalawang pwesto at 20 libong piso para sa ikatlong pwesto.
Ang CBNHS-SPA at Crossing Elementary School ang magiging representatibo ng Calamba sa gaganaping La Laguna Festival sa parehong kategorya. Ito ay mangyayari sa ika- 2012 ng Marso.---SAMMY GRUBANZO

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph