Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Batang Calambeño wagi sa RSPC

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Namayagpag ang galing at husay sa pagsulat ng isang batang Calambeño matapos hiranging kampyon sa kategoryang Online Writing Secondary (Filipino)  sa ginanap na Regional School Press Conference (RSPC) sa Quezon National High School, Lucena Quezon, ika 3-7 ng Disyembre.


Siya si Marvin Capitan Evangelista, 14 na taong gulang na naninirahan sa Barangay Lingga, Lunsod ng Calamba. Si Evangelista ay nasa ikatlong taong pag-aaral sa Calamba Bayside National High School (CBNHS). Siya rin ang kasalukuyang Punong Patnugot ng pahayagang Ruralyans-Filipino sa nasabing paaralan.


“Lubos ang aming kagalakan dahil kay Marvin ay nakapag-uwi ang Calamba ng malaking karangalan na magiging paraan upang maipamalas pa ang galing ng mga kabataan sa Calamba sa pangnasyunal na lebel,” turan ni Gng. Lucina Pamintuan, tagapayo ng Ruralians.


Ilan pa sa mga kabataang Calambeño na nagwagi sa nasabing pangrehiyunal na kumpetisyon ay sina; Dom Vito Briones na nag-aaral sa Calamba Institute, ikalawang pwesto sa Online Writing Secondary English; Marian Makahiya at Shara Balce, mula sa Makiling National HS, parehong ikalawang pwesto sa pagsulat ng Lathalain sa secondary English at Filipino; sa elementarya ay nakamit ni Ellaine Joi Roxas mula sa Bucal Elementary School ang ikatlong pwesto; Charlene Fulloso ng San Ramon Elementary School ikaapat na pwesto; Kyla Chantal Dela Torre ng Jose Rizal Memorial School (JRMS) ikalimang pwesto at; Danica Samson mula sa Palo Alto Elementary School, ikaanim na pwesto sa parehong kategorya ang pagsulat ng lathalain sa English; ika-apat na pwesto naman si Jean Cristy Romero ng Kay Anlog Elementary School sa pagsulat ng lathalain sa Filipino.


Sa panahong ito puspusan ang paghahanda ni Evangelista upang mapagtagumpayan niya ang kanyang laban sa pangnasyunal na kumpetisyon. Gayundin naman ang paghahanda ng Kagawaran ng Edukasyon ng Calamba upang patuloy na mamayagpag ang Calamba sa buong bansa.


“Minimithi naming lahat, sa lahat ng bumubuo ng buong departamento na mas maigi pa at mapahusay pa ang galing ng mga kabataan dito sa Calamba. Alam namin na sa susunod pang taon may mga sisibol pa na magbabandera ng husay ng mga batang Calambeño sa buong bansa,” turan ni G. Charlie Tañala, pandibisyong tagapagsanay.

Sa darating na Enero, taong 2012 gaganapin na ang National School Press Conference (NSPC) sa Puerto Princesa Palawan.


“Sa tulong ng Panginoon at sa kababaang loob na itinuro sa akin ng aking magulang at ng paaralan, mas lalo ko pang paghuhusayan upang maipagmalaki ko sa buong bansa ang galing ng isang batang Calambeño,” batid ni Evangelista.---SAMMY GRUBANZO

rspc


 


 

 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER

 

 


Last Updated on Monday, 19 December 2011 15:02

Add comment


Security code
Refresh