Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALAMBEÑO BLOG: KARAPATAN SA PANSOL HOTSPRING PINAG-AAGAWAN!

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 


Mainit pa ring pinagtatalunan sa tanggapan ng Sangguninang Panlunsod ng Calamba kung sino ang may eksklusibong karapatan at nagmamay-ari ng Pansol Hotspring sa Barangay Pansol, Lunsod ng Calamba.  Kamakailan lamang ay nagkaroon muli ng isang pagpupulong tungkol sa Kapasiyahan Bilang 59, 2011 na tumatalakay sa kahilingan ng Sangguniang Barangay ng Pansol na muling maibigay ang karapatan at kapangyarihan sa kanila upang mapangalagaan ng wasto at gawing isang pambublikong pasyalan para sa turismo ng Calamba. Sa kabilang banda, may isang pribadong indibidwal na nagngangalang Ms. Elizabeth Padiernos na siyang umaangkin sa nasabing lugar at nagsasabing siya ang may-ari ng Pansol Hostspring.

 


Ang naturang pulong ay pinangunahan ng Sanggunian Panlungsod sa pamamagitan ng Committee on Tourism, Culture and Social Events.  Dito ay ipinakita ang mga katibayan at papeles para malaman talaga kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng Pansol Hotspring.

Ayon kay Punong Barangay ng Pansol Sally Dela Cruz na ang Pansol Hotspring ang kauna-unahang swimming pool na may kweba sa nasabing lugar. Ito rin ay pinanggagalingan ng tubig bukal na mainam na gamitin sa paliligo dahil sa mainit na tubig nito. Sinasabing nakakagaling din ng ilang sakit sa katawan at kasukasuan ang tubig na nanggagaling dito. Ayon na rin sa ilang pagsasaliksik na ang nasabing hotspring ay dating napaliliguan ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal noong kanyang kabataan.

 


Ayon sa Calamba Planning and Development Office (CPDO), noong 1922 hanggang sa kasalukuyan, ang Municipal Government ng Calamba ay nabigyan ng eksklusibong karapatan sa Pansol Hotspring. Ayon naman kay Konsehala Hernandez na nagkaroon naman ng isang kasunduan o Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Municipal Government ng Calamba at ni B. Elizabeth Padiernos na binibigyan ng kapangyarihan ang nasabing indibidwal upang umupa at manirahan sa Pansol Hotspring. Ngunit, nagkaroon din ng isang resolusyon ang Resolution Number 137, series of 1988 na ang Sangguniang Bayan ng Calamba ay kinakansela ang kontrata ng paninirahan ni Gng. Monica Padiernos dahil hindi ito sumusunod sa mga napag-usapang kondisyon lalong lalo na ang pagbabayad sa gobyerno para sa renta. (“recommending the revocation of the contract of lease between Monica Padiernos and the Municipal Government of Calamba relative to the use of Pansol Hotspring for non-compliance to its terms and conditions.”)

 


Kaugnay nito, nagkaroon ulit ng isang resolusyon ang Resolution No. 157, series of 1991, “a resolution ordering the issuance of the notice of termination for the lease contract between Monica Padiernos and the Municipal Government of Calamba pertaining to the use of Pansol Hotspring.” Isinasaad ng resolusyong ito ang pagtatapos ng kasunduan o kontrata sa pagitan ng pamahalaan ng Calamba at ni Gng. Monica Padiernos. Sumang-ayon naman ditto ang naging pahayag ni punong barangay Dela Cruz tungkol sa pagtanggal ng karapatan sa paninirahan ng sa mga Padiernos dahil nga sa kapabayaan at pag-abandona sa lugar.

Dahil dito, malinaw na malinaw na nasa pagmamay-ari ng pamahalaan ng Calamba ang Pansol Hotspring. Ngunit nabanggit din ng CPDO na ang lugar ay kinuha ng National Government. Agad naman itong konontra ni G. Archilles Constantinona hindi maaaring makuha ng national government ang lugar dahil and DENR ang may kapangyarihan sa lupaing napag-uusapan at mayroong batas na nakakasaklaw  sa pagbabahagi ng lupa at it nga ang Friar Land Act.

Ayon din kay G. Constantino na ang pinag-uusapang lote na Lot 1415 Cad-154 sa tax mapping (ng lupang kinatitirikan ng Pansol Hotspring) ay nasasakupan ng friar lands o Patrimonial property na dati ng  may titulo sa gobyerno. Nakalagay sa tax declaration na ang Municipal Government ng Calamba ay tunay na nagmamay-ari sa lugar. Ito ay sa ilalaim ng Friar Land Act 1120.

 


Ngunit ayon naman sa isang dispositive order na nagmula sa director ng Lands Management Bereau of Manila noong ika- 4 ng Hunyo taong 1991 na “WHEREFORE, the Friar Land Sales Certificate No. 4175 and patent No. 11115 both in the name of the Municipality of Calamba are hereby cancelled and revoked….”

 


Ibinigay ng kautusang ito sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Los Baños, Laguna ang pangangasiwa at pagmamay-ari ng lupa o loteng 1415 (ang lupang kinatitirikan ng Pansol Hotspring). “The Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) in Los Baños, Laguna shall take the possession and administer the land (Lot 1415) and caused the subdivision survey thereof at the expense of the petitioners in accordance with their actual possession therein.”

Upang mapabalik sa pamahalaan ng Calamba ang nasabing lugar at upang ito ay mapangasiwaan na rin ng Sanggunian ng Pansol ay iminungkahi ni G. Constantino na magpasa ng isang resolusyon sa Secretary of Environment and Natural Resources na maproklama at mareserba ang ilang bahagi ng lugar upang maging tourist spot sa Calamba. Ngunit ayon kay G. Lupo Telan ng DENR na kailangang masigurado na may titulo ang bakanteng lot eng lugar.

 


Sinabi din ni Constantino na dapat magrequest ng issuance of presidential proclamation upang mareserba ang lugar. Inutusan naman ni Konsehala Hernandez ang Assessor’s Office na magkaroon ng sapat na pananaliksik sa pamamagitn ng survey upang malaman kung wala talagang titulo ang lupa ng Pansol Hotspring simula sa Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at Regional Trial Court (RTC).

 


Iminungkahi naman ni Engr. Ruel Tabila na magsumite ng sulat ang Sanggunian sa Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) para sa pagrerelease ng titulo at madeklara kung wala pa talagang narerelease na titulo na 1415 at; sa RTC upang malaman kung wala pang titulo ang Lot. No.1415.

 


Sa huli ay nagpahaya ang komite na hihintayin na lang ang ulat ni Engr. Tabila bago makapagsagawa ng resolusyon ukol dito. Patuloy pa ring nakabinbin ang usaping ito hanggat wala pang sagot na manggagaling sa RTC ang PENRO. Kung sumang-ayon ang RTC at PENRO sa kagustuhan ng Sangguniang Panlunsod ng Calamba ay pamamasakamay na ng pamahalaan ng Calamba ang pangangalaga ng Pansol Hotspring upang gawing isang tourist spot ng Calamba at ibigay ang pangangasiwa sa Sanggunian ng Pansol. Ibig sabihin nito ay wala ng maihahabol ang Padiernos sa nasabing lugar.---S.GRUBANZO

 

pools



CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER

 

 

Last Updated on Monday, 19 December 2011 14:03

Add comment


Security code
Refresh