Isang babae ang nabiktima umano ng Budol- Budol Gang ang agad na nagsumbong sa San Pablo City Police Station bandang 1:00 ng hapon noong Disyembre 12, 2011.
Ayon sa salaysay ng biktimang si Emma David, 61,may asawa, naglalakad siya sa Barangay Del Remedio, San Pablo City bandang ika-12:10 ng hapon noong araw ding yaon nang dumaan ang mga di kilalang mga lalaki at babae sakay ng isang sasakyan. Nakuha ang kanyang bag laman ang iba’t ibang alahas na nagkakahalaga ng mahigit kumulang P100,000, relo na may halagang P10,000, I-phone P37,000 at cash na may halagang 12,500 kapalit ng dalawang pouch laman ang maraming papel.
Samantala, gumagawa na ng aksyon ang mga pulis patungkol sa insidenteng ito at hinihingi ang pakikiisa ng bawat isa na kung makikita ang mga taong nasa larawan ay ipagbigay alam agad sa numerong 09193638687,09193828141,09214664320 at hanapin sina SPO1 Nataniel Doronila, PO2 Peter Pedro A. Janairo at PO2 Jessie G.
Salado.

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph