Pinangunahan ng lalawigan ng Laguna ang 2011 Batang Pinoy Southern Luzon Qualifying Leg na ginanap noong Disyembre 4-7, 2011. 100 ginto, 82 pilak at 52 tansong medalya ang nasungkit ng lalawigan mula sa 29 Local Government Units (LGUs) na lumahok sa Southern Luzon.
Pumangalawa ang Lipa City ( 7 ginto, 4 na pilak at 9 tansong medalya) at sinundan ng Antipolo City (7 ginto, 3 pilak at 4 tansong medalya). Ang mga palaro ay ginanap sa RECS Sports Complex sa Labuin, Sta. Cruz, Laguna, Sta. Cruz Municipal Hall Covered Court at sa Pedro Guevarra National High School.
Samantala, Isang daan at tatlong (103) manlalaro ng Laguna ang kasalukuyang sa Naga City para sa 2011 Batang Pinoy Championships. Ang mga larong lalabanan ay Archery (6 kalahok); Athletics (25); Basketball (8); Boxing (5); Chess (3); Swimming (21); Table Tennis (5); Taekwando (7); Tennis (1); Weighlifting (6) at Wrestling (10).
Sila ay kasalukuyang nakikipagkumpitensya sa mga atleta mula sa National Capital Region at iba pang mga kinatawan mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Gayon man, pipili ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga mananalo ng kinatawan sa gaganaping 2014 Youth Olympic Games sa Tsina.---MJ PEDRAJA
| 2011 Batang Pinoy Sports Competition Laguna nag-over all champion: Makikita sa larawan sina Philippine Sports Commission, Commissioner Atty. Jolly Gomez, PBA Super Star Chito Loyzaga at Provincial Sports and Games Development Office Head Albert Abarquez habang sinasabitan ng medalya ang mga kabataang atleta na nanalo sa 2011 Batang Pinoy Sports Competition na ginanap sa Laguna Sports Complex sa Sta. Cruz kamakailan. Umabot sa 84 na gold medal, 69 na silver at 40 bronze medal ang nakopo ng delegasyon ng Laguna na sinundan ng Lipa City na nakasungkit ng 7 gold medal, 4 na silver at 9 na bronze medal, pumangatlo ang Mamburao Occidental Mindoro na nakasungkit ng 1 Gold Medal, 6 na silver at 22 bronze medal. (PIO-Laguna/Vic A. Pambuan)// Arlene P. Mariposque |
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 14 December 2011 06:43