Matapos ang pagbibigay serbisyo sa mga tao mula ng itatag ang organisasyon hanggang ngayon, ang Philippine Red Cross Laguna Chapter ay ginawaran ng “2011 Chapter of the Year” kamakailan sa ginanap na 29th National Biennial Convention of Philippine Red Cross sa Manila Hotel noong Disyembre 7-8, 2011.
Ang nasabing programa ay nilahukan ng 100 Red Cross Chapters sa buong Pilipinas. Naging bahagi din nito ang eleksyon ng bagong miyembro ng Board of Governors.
Samantala, ang tumanggap ng parangal ay sina Mr. William Ng Cha, Laguna Red Cross Chairman of the Board of Directors at Mrs. Rudelly C. Cabutin, Laguna Red Cross Administrator na ipinahayag naman ang kanilang lubos na pasasalamat at pagpapahalaga sa lahat ng kasapi ng Red Cross at sa mga boluntaryo sa walang sawang suporta sa lahat ng aktibidades ng organisasyon.---MJ PEDRAJA

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph