Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

GRASSROOT PROGRAM: SUSI SA MAUNLAD NA FOOTBALL

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Nitong 2010, biglang lumakas ang paghanga ng mga Pilipino sa sports na football. Ito ay matapos ng pagkapanalo ng Philippine Seniors Team na Azkals sa AFC Suzuki Cup kontra sa powerhouse team na Vietnam.


Sa kabila ng kasikatang tinatamasa ng Azkals at ng football, marami pa rin ang nagdududa kung aangat ang antas ng players nito. Binubuo kasi ang Azkals ng Fil-foreign players at iilan lamang sa kanila ang purong dugong Pinoy. Sinisilip tuloy ngayon ng mga eksperto kung ano ang hinaharap ng mga Pilipino sa larong pampalakasang ito. Ang susi sa pag-unlad ng football: grassroot program.

 

 

 

 

GRASSROOT PROGRAM

Ang grassroot program ay ang pagsasanay sa mga kabataan sa isang larangan upang higit nilang malinang ang kanilang talento rito habang sila ay tumatanda. Sa tindi ng pressure ngayon sa mga opisyales ng Philippine Football Federation tungkol sa isang mahusay na grassroot developmental program, iba’t ibang grupo na agad ang tumugon upang sila ay tulungan.


Nangunguna na rito ang FIFA na ipinadala ang beteranong German coach at trainor Eckhard Krautzun. Lumabas na palpak ang experimental U-23 football team na ipinadala sa katatapos lang na Southeast Asian Games dahil sa pagkalalag nila sa pinakahuling puwesto sa torneo. Subalit sa inuumpisahang programa ng FIFA at PFF, hindi na natin kakailanganing mamroblema sa mga susunod na taon kung saan huhugutin ang mga manlalaro natin dahil magkakaroon na tayo ng mga sarili nating magagaling na players.


Sa pagdating ni Krautzun sa bansa, inumpisahang tipunin ang mga batang nasa edad siyam pababa na nagmula sa iba’t ibang eskwelahan sa bansa. Idsinagawa nitong Nobyember ang iba’t ibang football training at clinic. Ang mga batang inanyayahan ay ang posibleng bumuo na ng pambato ng bansa sa darating na U-17 Championship at World Chapionship sa taong 2017 at 2019.


Ayon pa kay National Coach Aries Calieb, ang mga batang inumpisahang sanayin ngayon ay maaaring lagpasan pa ang kasalukuyang mga Azkals. Isa pa sa magiging trabaho ni Krautzun ay upang tingnan ang kalagayan ng football sa bansa pagdating sa mga manlalaro, pasilidad, pagsasanay at maging sa coaching.  Si Krautzun, 70 taong gulang, ay kaya pa ring magpakita ng iba’t ibang drills. Siya rin ang nagbitbit sa Philippine Team sa football semifinals ng SEA Games noong 1991, ang pinakamagandang pagtatapos ng grupo sa kasaysayan.


Nagulat pa nga ang batikang trainor nang malaman niyang walang mga bola ang mga batang kanyang sinasanay at hiniling sa mga ito na hinging Christmas gift sa kanilang mga magulang ang isang football.

 

 

 

 

PAGTUGON NG CALAMBA

Nitong Oktubre naman ay inilunsad ng Lungsod ng Calamba ang sarili nitong “school-based grassroots program” upang paunlarin ang isport na football at makabuo ng de-kalidad na team ang lunsod at maging ang lalawigan ng Laguna.  Nakipagkaisa naman lokal na pamahalaan ng Calamba sa Department of Education at Laguna Football Federation, na siyang magsasanay sa mabubuong koponan na lalahok sa Calamba City Football Festival sa Disyembre 10-11.


Sa layuning gawing sentro ng sports excellence sa rehiyon ang siyudad ng Calamba, football  ang isang larong may malakas na potensyal para sa mga atletang Pinoy.  Inaasahang humigit tatlumpung koponan ang lalahok sa Disyembre at susundan naman ito ng Calamba Football Invitational sa Marso 2012 at Calamba Football Open sa Hulyo 2012, kung saan iba’t-ibang koponan na sa bansa at buong Asya ang lalahok.

Tinatapos na ngayong gawin ang likuran ng The Plaza kung saan nakatakdang maglagay ng tatlong football field para sa gagawing kompetisyon.

 

 

 

 

SUPORTAHAN ANG SPORTS

Sa nangyaring mababang gold medal delivery sa katatapos lang na SEA Games at maging sa ibang Olympic Qualifying Tournament na iba’t ibang sports, nakita kung paano kinaharap ng ating manlalaro ang hirap sa paghahanap ng rekurso.  Mapapansing kulang talaga ang naging suporta ng pamahalaan sa ating mga manlalaro at atleta, mapanasyunal man o lokal. Ang ilang mga koponan nga natin ay sinusuportahan ng mga pribadong institusyon para lamang makapagsanay at madala sila sa iba’t-ibang labanan sa ibayong dagat. Ilang halimbawa na nga ay ang mga national team sa basketball, softball, baseball at dragonboat.


Sa biglaang pag-angat ng football sa bansa, hindi rin natin dapat kalimutan na isabay ang suporta sa iba pang larangan na dapat bigyang pansin. Sa Lungsod ng Calamba, naging problema ang kakulangan ng suporta ng lokal na pamahalaan sa nagkampeong Calamba City Team sa Laguna U-25 Tournament nitong umpisa ng taon. Isa naman ang Canlubang sa kinikilalang malakas pagdating sa larangan ng softball at baseball subalit dahil kulang ang pansing binibigay sa mga sports na ito ay unti-unting nawawalan na ng interes ang mga kabataan dito. Inaasahan na lamang ng ilang natitirang mga dating national team players na nasa Canlubang ang suporta ng ilang indibidwal upang makasali ang mga kabataan sa mga torneo tulad ng Little League.


Isang epektibong paraan ang sports upang malayo sa bisyo ang mga kabataan. Higit dapat suportahan ito at bigyan ng badyet ng pamahalaan upang kilalanin at linangin ang talent ng mga kabataan sa bansa. Tunay na grassroots program ang kailangan upang mapalakas ang sektor ng sports subalit kung walang susuporta sa mga programang tulad nito. Walang pag-angat tayong aasahan.---Matt Palentinos


azkals

 

photo: futbolpilipinas.com


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER


Last Updated on Monday, 05 December 2011 11:34

Comments  

 
0#1Jonas2011-12-22 05:31
Nice ang galing talaga ng Calamba
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh