Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

EX-SITIO CHAIRMAN, PATAY; CANLUBANG BRIDGE, MULING INIREKLAMO

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 


Namatay ang dating Sitio Chairman ng Sitio Stable, Canlubang na si Albert Gutierrez matapos mawalan ng malay at bumagsak sa semento ang ulo nitong Nobyembre 21.  Inireklamo naman ng kaniyang mga kamag-anak ang ginagawang tulay sa Mayapa matapos maging sagabal ito sa pagdadala kay Gutierrez sa hospital.


Ayon sa mga kamag-anak ay agad isinugod sakay ng isang tricycle si Gutierrez subalit dahil sarado para sa mga sasakyan at pedestrian ang tulay ng Mayapa ay binuhat pa nila ito at idinaan sa eskinita kaya lalong natagalan bago makarating sa ospital.

Dead-on-arrival dumating ang dating sitio chairman dahil na rin sa nakitang lamat nito sa bungo.

Sabi pa ng isang nakiramay sa biktima na nakakaawa ang mga taga-Canlubang na makakaranas ng mga emergency situation tulad nito dahil bago makarating sa hospital ang pasyente ay maaaring huli na.  Nanawagan naman ang pamilya sa tulong mula sa ilang mga pulitiko para sa pagpapalibing ni Gutierrez.

 

1canlubang


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Comments  

 
+2#2critique2011-12-02 12:56
Oo nga, sobrang sagabal talaga sa mga taga-Canlubang ang tulay na tinatawag nila na "PROYEKTO". Daming hassle pag dadaan ka sa may eskinita lalo na pag umuulan, hindi magkasya ang mga payong kaya basa ka din, tapos napaka-delikado pa pag dadaan ka ng dis-oras ng gabi dahil sa mga naglipana na holdaper at mapagsamantala. Isa lang nakikita ko jan, "MARAMING PROJECTS = MARAMING PERANG MABUBULSA", di ba mga peeps?
Quote
 
 
+2#1keso2011-11-29 08:23
im from canlubang. halos araw araw kong inatahak ang route na to yung sa tulay ng mayapa. widening/rehabilitaion? anung mangyayari dun? minsan mapapailing ka nalang kung bakit ginawang ganun. perwisyo talaga ang nadudulot sa taga canlubang at sa mga mamamayan. yung proyetong ito ay pawang kalokohan kung mareresolbahan nito ang trapiko sa lugar na iyon, dahil ang dahilan ng pag babara ng traffic dun ay ang mga sumusunod (ayon sa aking masusing obserbasyon) una, ang mga HINDI disiplinadong driver ng jeepney na doon nagbababa o nagsasakay ng pasahero sa kanto na nagsisilbing daanan papuntang MAJADA out, ikalawa ang mga TRUCK at BUS na tumatahak sa daan ng MAJADA out. ang pag liko paling nila sa nasabing kanto o lusutan ay ang nagsisimula ng sagabal sa mga sasakyan. dapat ang ginawan gobyerno ng solusyon ay ang alternatibong daan ng mga naglalakihang sasakyan na ito at paigtingin ang batas trapiko sa para sa mga pasaway na jeepney driver
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh