![]() | Dahil sa lumalalang epekto ng climate change, nais ng Provincial Government ng Laguna ang pagtataguyod sa pagtatanim ng submarino rice. Ang submarine rice ay na-develop ng International Rice Research Institute (IRRI) Los Baños at University of California-Davis upang manatiling buhay ang pananim na palay kahit malubog pa ng hanggang 14 na araw sa ilalim ng tubig. |
Nasubukan ang katatagan ng bagong gene ng bigas na ito ng Philippine Rice Researc Institute sa Tarlac matapos hindi ito pestehin at nagpatuloy na lumaki kahit dumaan ang apat na araw ng pagbaha na dinulot ni “Juaning”. Nais ng pamahalaan na mag-focus sa katatagan at kasiguraduhan sa pagkain ng probinsya kaya niya bingiyang pansin ang nasabing uri ng bigas na itanim sa probinsya ng Laguna. –--M.PALENTINOS
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Comments
RSS feed for comments to this post