Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

DENR, NANAWAGAN NG PAGTUTULUNGAN PARA SA MAGANDANG KAPALIGIRAN

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

 

CALAMBA CITY, Laguna, Nobyembre 14  -- Nanawagan si Regional Technical Director Arnulfo Hernandez ng protected areas, wildlife, coastal zone management services ng Department of Environment and Natural Resources (DEN)-4A ng pagtutulungan para mapangalagaan ang mga pook na inaalagaan o protected areas para sa magandang kapaligiran.
Sinabi ni Hernandez, may 17 na protected areas na may kabuuang 255 ektarya sa buong rehiyon ang binabantayan at inaalagaan ng mga kasapi ng Protected Areas Management Board (PAMB) na kinabibilangan ng mayor na nakakasakop sa protected areas at barangay, academe, government agencies, planning officers, DENR at ng iba pa.  Samantala, nilinaw ni Hernandez na base sa Executive Order 23 na ipinalabas ng Pangulo, ipinagbabawal ang pagtrotroso maging ito ay natural na ibig sabihin ay kagubatan na hindi pa nakuhanan ng troso o residual kung saan ito ay napagkunan na ng troso noong mga nakaraan.
Napagalaman na ang mga nahuling kahoy simula pa noong July 1, 2010 ay kanilang ibinigay bilang donasyon sa Department of Education (DepEd) para gawing mga upuan o lamesa para sa mga mag-aaral sa ibat-ibang lalawigan sa rehiyon.  Sinabi din nito na pinapayagan na rin sa ngayon ang mga may tanim na kahoy sa pribado o tituladong lupa na putulin ito.  Ang panawagan ni Hernandez ay ginawa ng ito ang maging panauhin sa lingguhang “Talakayan sa PIA 4A” ng Philippine Information Agency (PIA) Calabarzon. (DVL, PIA-Calabarzon // Arlene P. Mariposque)
troso
photo: world.mongabay.com

 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER 

Last Updated on Monday, 21 November 2011 04:38

Add comment


Security code
Refresh