Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

LOLO PATAY APO SUGATAN SA PAMAMARIL SA LOS BAÑOS LAGUNA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

 

Dead on the spot ang 61 anyos na si Cesar Rempis isang retired utility worker sa UP Los Baños matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspect sa isang liblib na lugar sa Sitio Sta Fe Brgy San Antonio, Los Baños, Laguna.  Ayon kay Police Superintendent Dante Novicio, Hepe ng Los Baños Police,  ihahatid lamang sa eskwela ng biktima ang kaniyang siyam na taong gulang na apo na si Angelo sakay ng kanilang tricycle nang pagbabarilin sila ng mga suspek sakay ng isang kulay itim na motorsiklo na walang plaka.  Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa dibdib  at ulo na naging sanhi ng agad nitong pagkamatay habang tinamaan naman ng bala sa balikat ang apo nito matapos tumagos ang bala sa dibdib ng kaniyang lolo at tumama sa bata.


Agad na dinala sa pinakamalapit na pagamutan si Angelo at ligtas na sa tiyak na kapahamakan, samantala sinisilip ng Los Baños police ang posibilidad na maaring may kinalaman sa pagpatay ang kapitbahay ng biktima matapos nilang mapagalaman na nagaway ang biktima at ang kapitbahay nito ilang araw na ang nakakaran dahil umano sa pagputol ng linya ng tubig ni Cesar sa kaniyang kapitbahay.


Pinagtatakhan din ng Hepe ng Los Baños kung bakit  burado ang lahat ng message at call ng cellphone ng biktima na narekover ng SOCO sa crime scene, aniya imposible na binubura ng biktima ang mga txt message sa kaniya gayong may katandaan na ito, maliban na lamang di umano kung may inililihim ito sa kaniyang pamilya na hindi maganda. Bagay na pinagsususpetsahan ng hepe na maaaring may kinalaman ditto ang salarin.


Dahil sa pangyayari plano ngayon ng mga awtoridad na lalo nilang paiigtingin ang police visibility at pagpapatrolya sa kanilang lugar upang huwag silang malusutan ng mga masasamang loob at sa ikadarakip kaagad nang gumagawa ng mga krimen.---CJ ALCANTARA

 

Watch Related Video


 

lolo

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER


Last Updated on Friday, 18 November 2011 07:14

Add comment


Security code
Refresh