Iba’t ibang reklamo ang ipinahayag ng taumbayan, partikular na ang mga naninirahan sa Baranggay Canlubang dahil sa bagal ng konstrukyon ng Canlubang Bridge na nakatayo sa Baranggay Mayapa, Calamba City. Inilabas ng mga mamamayan, higit lalo na ang mga estudyante at kabataan sa kanilang dinadanas na perwisyo sa ginagawang konstruksyon sa tulay. Pinapalapad ang tulay upang higit na mapabilis ang trapiko sa nasabing lugar. Ang mga nagmumula ng Canlubang at Siranglupa ay karaniwang naglalakad ngayon mula Simbahan ng Mayapa hanggang Camp Vicente Lim Headquarters.
![]() | Karaniwang reklamo ang mabagal na paggawa at ang ginawang daanan ng mga tao. Lumabas pa sa website ng DPWH na November 15, 2011 pala dapat ang tapos ng nasabing tulay subalit tatlumpung porsyento pa lang ang natatapos pa lang dito. Sa kasalukuyan ay binago na ang target date of completion patungong December 15, 2011 at sinasabing kalahati na ng tulay ang natapos gawin. Narito ang ilan sa mga reklamo na nakalap natin sa social networking site na Facebook. |


Ang mamamayan ay hindi tutol sa pag-unlad at pagpapaayos ng mga kalsada at mga tulay subalit magagalit sila kung hindi ito ginagawa ng mabilis lalo na at naaapektuhan ang araw-araw nilang gawain. Sa mga ganitong panahon ay kayang magsakripsiyo ng mga tao subalit sana naman ay magsakaripisyo rin ang namamahala sa konstruksyon na pabilisin ang pagpapagawa rito at sumundo sa takdang oras.
Kailangan pa yatang bulabugin ng mga tao ang mga opisina ng mga kinauukulan bago umaksyon at gumawa ng paraan. –MATT PALENTINOS
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Monday, 21 November 2011 06:21
Comments
RSS feed for comments to this post