Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SMOKING BAN ORDINANCE, TINUTULAN NG MAYOR NG CALAMBA

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

 

Calamba City, Laguna---Inilabas ng Tanggapan ng Punonglungsod ang isang Veto Message sa Sanggunian upang ipabatid ang pagtutol nito sa Anti-Smoking Ordinance na pinatnugutan ni Konsehala Ruth Mariano-Hernandez.  Ang ordinansang ito ay nagbabawal sa paninigarilyo, pagbebenta at pag a advertise ng mga tobacco products sa mga piling lugar sa lungsod ng Calamba at ang pagtatakda ng kaukulang parusa sa mga lalabag.   Ayon sa Veto Message ng punong lungsod ay tila ultra vires o labas sa kapangyarihan ng Sanggunian Panlungsod ang ginawa nitong pag-apruba sa naturang ordinansa at sa ilang probisyong umano ay inconsistent sa Tobacco Regulation Act.

 

 

 

Matatandaang naging mainit kamakailan lamang ang isyu ng pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.  Sa kabila ng kampanya ng ibat-ibang mga organisasyon laban sa paninigarilyo ay dumadami pa rin ang mga taong naninigarilyo.   Ayon sa National Tobacco Administration sa kabila ng mga regulasyon sa US at Europe ay patuloy ang pagtaas ng demand para sa tabako. Tinatayang nitong taon lamang ay nakapag produce ang bansa ng 43 milyong kilo ng Virginia tobacco na nagkakahalaga ng  P3.096 bilyon; 20 milyon kilo ng burley na nagkakahalaga ng P1.36 bilyon; at 14 milyon kilo ng native tobacco na nagkakahalaga ng P588 milyon.   Sa kabuoan ay 77 milyong kilo na nagkakahalaga ng  P5.044 bilyon, at 45% dito ay ikinalakal sa ibang bansa na katumbas ng 34 Bilyong pisong buwis sa pamahalaan.  Sa isang dambuhalang industriya tulad ng tobako ay sadyang hindi magiging madali ang laban para sa karapatang makalanghap ng malinis na hangin.  Bagamat dumarami ang mga samahang kumakampanya laban sa paninigarilyo, kung ito naman ay hindi lubos na susuportahan ng pamahalaan ay wala itong maabot.


Sa ulat ng World Health Organization, sa Pilipinas ay nasa 20,000 smoking-related deaths kada taon ang naitatala dahil sa ibat-ibang mga karamdamang sanhi ng sigarilyo.  Ibat-ibang uri ng kanser, sakit sa puso, sakit sa baga ang ilan lamang sa mga masasamang epekto ng paninigarilyo sa katawan ng tao.  Sa pag-aaral ng WHO, advertisement ang itinuturong dahilan ng patuloy na paninigarilyo ng mga tao sa kabila ng kaalaman na nakamamatay ang paninigarilyo.  Ang bansang Australia ay nagpahayag ng pagpursige nitong labanan ang mga tobacco companies sa mga korte sa pamamagitan ng pag akda ng batas na magbabawal sa paglalagay ng logo at ibang mga advisement sa pakete ng sigarilyo.  Ito ay upang iwasang maging attractive sa publiko ang sigarilyo.

 

RELATED ARTICLE: 

CALAMBEÑO BLOG: PANGANIB DULOT NG SIGARILYO

 

 

no-smoking

 


 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph 

DISCLAIMER 

Last Updated on Monday, 14 November 2011 08:30

Add comment


Security code
Refresh