CAVITE------Naaresto ng Cavite Provincial Public Safety Company sa pamumuno ni Psupt. Redrico Maranan ang dalawang pinaniniwalaang lider kasama ang tatlong miyembro ng Sociro-Manlapaz High Jacking Syndicate matapos na mahuli ang mga ito sa aktong nagdidiskarga ng mga produkto mula sa hinayjack na Close Wing Van Six wheeler truck sa Molino, Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi.
Sa ulat kay Provincial Director PSSupt. John C. Bulalacao kinilala ang mga suspek na sina; Bornio Sociro Y Apondar Jr. at Rogelio Manlapaz Y Abelar at mga miyembro na sina; Marcelo Labay Cabanyan Jr. 19, Rosebilly Socito Manlapaz, 32 at Ramel Pelipel Y Delima, 16, Green Valley, San Nicolas 3, Bacoor, Cavite.
Sa imbistigasyon ng pulisya nakatanggap sina Maranan ng impormasyon na may hinayjack na closed wing van six wheeler truck na may plakang RFC -195 sa Libis, Quezon City at namataan itong patungong Molino, Bacoor, Cavite.
Agad na nagsagawa ng operation sina Maranan kasama si PCI Lorenzo Portugal Bernas at dalawa pang kapulisan at dito ay namataan nila ang nasabing van na tumatakbo nga patungong Molino Road at huminto sa tapat ng isang warehouse/safehouse sa Green Valley San Nicolas, Bacoor, Cavite.
Maya maya ay idiniskarga na ng mga ito ang mga produkto ng gamot na tinatayang naglalaman ng halagang 5.2 milyong piso at mga assorted groceries na nagkakahalaga ng 300 thousand pesos mula sa hinayjack na truck na nasa pangalan ng isang Marvin
Malabanan. Nabatid din mula sa masusing imbistigasyon na ang grupo ng Sociro-Manlapaz ang responsable sa mga hi-jacking sa CaLaBaRZon at NCR. (Arlene P. Mariposque)

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph